Low pressure area, pinangangambahang maging bagyo


Ted: Kuya Kim, nasaan na ba ang bagong low pressure area?

Kim: Itong bagong low pressure area, ito’y nasa 790 kilometers east of Mindanao. Kakaiba itong LPA na ito. ‘Yung binabantayan natin nu'ng isang araw, iyon ay mahina lamang at walang posibilidad na lumakas at maging ganap na bagyo. Itong bagong LPA, ito’y “aktibo” -- ibig sabihin malaki-laki ang posibilidad na ito’y maging bagong tropical depression. Ilagay na natin sa 50% possibility. Malalaman natin by Thursday habang ito’y papalapit sa lupa.

Pumasok na sa bansa kanina ang bagong low pressure area 790 kilometers east of Mindanao.

Aktibo ang low pressure area kaya kahit malamig pa ang panahon, malaki ang posibilidad na maging bagong bagyo.

Kung magiging tropical depression o bagyo ang low pressure area, tutuloy po ito sa Davao at Compostela Valley. Malalaman po natin by Thursday kung lalakas ang active low pressure area at mabubuo.

Luzon weather muna: Maulap at aambon sa northern at central Luzon. Maulap sa Ilocos at Baguio. Makulimlim sa Pampanga, Tarlac at Bulacan, maulap din sa Metro Manila, asahan ang ambong ‘di lalakas at tatagal.

Mas malakas naman ang ulan sa Southern Luzon at Bicol dahil sa papalapit na low pressure area.

Apektado rin ng kaulapan ng low pressure area ang Visayas. Maulap at uulan sa Negros at Bacolod. Maulap at maulan din sa Aklan at Iloilo. Malakas naman ang ulan sa Samar at Leyte, ingat po tayo sa landslide at flashflood. Cloudy po sa natitirang bahagi ng Visayas.

Maulap at malaki din ang posibilidad ng ulan sa Mindanao. Makulimlim sa Cagayan de Oro at Iligan. Maulap din sa Davao at Bukidnon. Malakas naman ang ulan sa Surigao at buong Eastern Mindanao dala ng papalapit na low pressure area.

Kung mabubuo ang low pressure area at magiging bagyo o tropical depression, papangalanan itong “Ambo,” ang pinakaunang bagyo sa 2012. Kim Atienza, Patrol ng Pilipino

02/14/2012 10:37 PMBookmark and Share