Kampo ni CJ, tutol sa pagtestigo ng BPI manager


Noli: Ryan, ano ba ang dahilan at tumutol ang depensa sa muling pagtestigo ng branch manager ng BPI?

Ryan: Kabayan, hindi na raw kasi ito kailangan dahil tapos na ang depensa at prosekusyon na magtanong sa testigo noon pang nakaraang linggo. Pero sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na kaya muling ipinatawag si Ms. Leonora Dizon ng BPI ay dahil sa hiling rin ng iba pang senador na may nais pang itanong sa kanya. Dito hindi na naiwasan ng depensa na magparinig sa ilang senator-judge na kung umasta raw ay parang prosecutor.

Nasa impeachment court na naman kanina si Leonora Dizon, ang manager ng BPI branch sa Ayala Avenue, Makati.

Pinabalik siya para dalhin ang monthly bank statements ni Chief Justice Renato Corona at records ng iba pang pinaglalagyan ng pera gaya ng time deposits o mutual funds, kung meron man.

Pero kinuwestyon ng depensa kung bakit kailangan pa siyang ipatawag ulit.

“We are through with the witness and the witness had been presented,” sabi ni Serafin Cuevas ng defense panel. “We do not know in what capacity the recall of the witness was made.”

Sabi naman ni Enrile, “There was a request by a member of this court.”

Dito na nagpasaring si retired Justice Serafin Cuevas sa ilang senator-judge.

“If a senator-judge proceeds to ask questions which to us our objectionable, we cannot just go immediately to the Supreme Court for a relief against that irregularity,” sabi ni Cuevas. “They are not merely acting as judges; they are practically appearing to us as private prosecutors.”

Dati nang pinag-inhibit ng depensa si Senador Franklin Drilon dahil sa umano'y pagkiling niya sa prosekusyon.

Kahapon naman, tinukoy ni Corona sa petisyon niya sa Korte Suprema sina Senador Drilon, Pangilinan, Guingona, Alan Cayetano, at Osmeña bilang hindi patas na senator-judge.

Pero ayon kay Senate President at presiding officer Juan Ponce Enrile, hindi niya mapipigilang magtanong ang mga senador.

“We are 23 minds here in this court that’s why we are called a body of jurors,” ani Enrile. “As a body of jurors, each one has his own perception and interest in this case to be able to make a judgment, a final judgment. I am not in the position to deny that right to any member of this body.”

Ayon sa depensa, binabawi na nila ang hiling noong nakaraang linggo na payagan sila na pumunta sa bangko para suriin ang buwanang bank statements ni Corona.

Tinawagan daw kasi sila ni Corona at sinabing may kopya siya ng mga dokumento.

Hindi rin ito nadala ni Dizon, pero inutusan siyang iprisinta ang mga ito bukas.

Noong nakaraang linggo, lumabas sa pagdinig na may P12 milyon si Corona sa checking account niya sa BPI noong 2010.

Sandaling sinuspinde ang pagdinig. Nang ituloy ito, may hiniling ang depensa.

“Baka naman puwedeng ipahingi niyo na sa amin ang araw na ito para naman makapiling naman ang aming mga minamahal sa buhay,” sabi ni Cuevas. “In short I am asking for a declaration for cessation of hostilities.”

Sinang-ayunan ito ng lahat sa korte, kabilang si Enrile na nagdiriwang ng ika-88 niyang kaarawan ngayon.

Pinababalik bukas ang manager ng PSBank branch sa Katipunan Avenue na si Anabelle Tiongson.

Inaasahang uusisain ulit siya tungkol sa dokumento na naglalaman ng impormasyon tungkol sa umano'y dollar account ni Chief Justice Corona na isinama ng prosekusyon sa kanilang subpoena request.

Sa hearing kahapon, sinabi ni Tiongson na peke iyong dokumento na hawak ng prosecution pero bukas inaasahan na dadalhin niya ang original na kopya ng bank record para maikumpara ito sa ginamit ng prosekusyon at malaman kung peke nga ba ang kopya ng prosekusyon o hindi. Ryan Chua, Patrol ng Pilipino

02/14/2012 11:32 PMBookmark and Share

3 comments

lima!

five foreign currency accounts mayroon daw si corona. naku sobra iyan. sino-sino kaya ang mga nagdeposito doon at saan nanggaling sila?


Magpakatotoo ka CJ para di mapagod mga defense lawyer mo

Ang makakasagot lang nyan ay kung buksan ni Corona lahat ng account nya. Kung wala namang illegal dapat pumayag syang ipakita ang lahat para matapos na ang batuhan. Di na kailangan ibase sa batas o technicality o gamitin ang SC - kung talagang malinis si Corona, ipakita nya sa lahat ang account nya, lalo na sa mga iniisip nyang bias na judge. Ang masama takot sya at nagtatago rin ng katotohanan. Sabi nya ipapakita nya at the right time. Bakit hindi ngayon na lang para matapos ang boxing.


Defense Should Have Known - Sua Sponte

The defense team, Cuevas in particular, should have known that the impeachment court can take acts of authority on its own motion, rather than at the request of the parties. This is the law doctrine of sua sponte.