Prosecutor, pinangatawanan ang kuwento sa ‘small lady’
Pikon na si House Prosecutor Reynaldo Umali.
Siya kasi ang pinupukol ngayon ng mga tanong at bintang sa kung paano napasakamay ng prosekusyon ang mga umano'y bank documents ni Chief Justice Renato Corona.
Kahapon ay ikinuwento muli ni Umali sa ANC kung kailan inabot sa kanya ng misteryosong "small lady" ang mga dokumento.
Lynda Jumilla: At what point inabot ni "small lady" sa inyo? Bago kayo sumakay ng kotse, habang nasa hagdan, habang nasa elevator?
Umali: Most likely before I entered my car.
Pero hanggang sa makasakay si Umali sa kanyang kotse, walang nakitang small lady sa CCTV ng Senado.
Wala ring nakitang envelope na hawak si Umali.
Pero giit ni Umali, hindi lahat ng sulok ng Senado ay may CCTV camera.
Hiling ngayon ni Umali sa mga senador, tanggapin na lang ang paliwanag ng prosekusyon.
“Ang sinasalita ko at sinasabi ko is entitled to parliamentary courtesy na dapat ay hindi siguro dapat bigyan ng masamang kahulugan,” sabi ni Umali.
Ganito rin ang gustong mangyari ni Congressman Neptali Gonzales.
“Nangyayari na rito parang ang prosecution na ang under trial eh. Totoo ba o hindi ang inyong na-submit sa amin? Siguro naman bigyan din naman ng mga senador ng paggalang ang mga congressman,” sabi ni Gonzales.
Sa tingin ni Umali, nalilihis na ang usapan ng impeachment.
Kung mayroon mang nalabag na batas, hindi siya kundi ang bangko ang dapat managot. RG Cruz, Patrol ng Pilipino
02/15/2012 10:49 PM

NO ONE IS ABOVE THE LAW, NOT EVEN THE IMPEACHMENT COURT..
ANG IMPEACHMENT COURT AY MY SOLE AUTHORITY SA PAGTRIAL LAMANG....
AT HINDI IBIG SABIHIN NA MAY AUTHORITY SIYA NA LABAGIN AT DI SUNDIN ANG BATAS..
IBA ANG TRIAL....AT IBA RIN ANG BATAS.
KAYA KAHIT NASA IMPEACHMENT TRIAL DAPAT SUNDIN PA RIN KUNG ANONG NAKASAAD SA BATAS.
ANG KWENTO NG SMALL LADY NA YAN...SI BAKLETANG ABNOY PNOY ANG AUTHOR NYAN...LEADING ACTRESS SI GRACE LEE....AT ANG LEADING ACTOR SI DRILON..

NO ONE IS ABOVE THE LAW, NOT EVEN THE impeachment COURT..
ANG IMPEACHMENT COURT AY MY SOLE AUTHORITY SA PAGTRIAL LAMANG....
AT HINDI IBIG SABIHIN NA MAY AUTHORITY SIYA NA LABAGIN AT DI SUNDIN ANG BATAS..
IBA ANG TRIAL....AT IBA RIN ANG BATAS.
KAYA KAHIT NASA IMPEACHMENT TRIAL DAPAT SUNDIN PA RIN KUNG ANONG NAKASAAD SA BATAS.
ANG KWENTO NG SMALL LADY NA YAN...SI BAKLETANG ABNOY PNOY ANG AUTHOR NYAN...LEADING ACTRESS SI GRACE LEE....AT ANG LEADING ACTOR SI DRILON..
TECHNICALITY v TRUTH, TRUTH WINS
yun impeachment "court" ay hindi totoong korte. para lang korte kasi yun proceso ginagaya lang yun proceso sa korte para maayos ang takbo. pero hindi kailangang tumupad sa walang pasubaling mga patakaran ng totong korte, kaya nga nagpalabas ng sariling patakaran sa maraming bagay ang senado sa impeachment, at yun ibang patakaran, gagamitin na lang ang patakaran sa korte para nga may kaayusan.
importante ang malaman ang kaibahan na ito kasi sa totoong korte, kahit ano ang totoo ay hindi na importante, ang importante ay ang ebidensya at kung ano ang kahulugan o sinasabi ng ebidensya ayon sa teknikalidad ng batas. alam ng lahat na may nakukulong kahit walang kasalanan at nakakalaya kahit guilty at ito ay dahil sa teknikalidad ng batas ng ebidensya. ito ngayon ang gustong gawin na palusot ng depensa ni corona. hindi pwede palusot na ito. sa impeachment court, ang importante ay kung ano ang palalabasin ng ebidensya para malaman ng tao ang katotohanan at base doon ay pagbobotohan ng mga senadores.
kung magkaroon ng banggaan ang teknikalidad at katotohanan, sa impeachment court dapat katotohanan ang magwagi. kung may katotohanan na yun mga dokumento inilabas ng prosekusyon ay peke, hindi dapat makaapekto sa katotohanan na nagsiningaling si corona sa kanyang SALN. depende sa kung alam ng prosekuyon o hindi, kung peke nga, ang taning epekto ng peke ay makasuhan yun may alam na peke yun at ipinirisinta pa rin bilang ebidensya. hindi umiiral ang sinasabing "fruit of the poisonous tree" sa impeachment.