Joey De Venecia 'to continue fight' vs Arroyos
Naglabas ng sama ng loob ang pangunahing testigo sa ZTE-NBN controversy na si Jun Lozada dahil sa umano'y panlalaglag sa kanya ng mga dating tagasuporta. Nakipagbati na kasi ang misis ni dating House Speaker Jose de Venecia Jr. na si Gina sa dating kaibigang si Pangulong Gloria Arroyo. Pero nanindigan naman ang star witness na si Joey de Venecia, itutuloy pa rin daw niya ang laban kaugnay sa kontrobersya. Exclusive , nagpa-Patrol, Henry Omaga-Diaz. TV Patrol World, Miyerkules, Pebrero 17, 2010
02/17/2010 11:13 PM







