De Lima tumestigo sa travel ban ng mga Arroyo


Nagpasya ang prosekusyon na hindi na sila maghaharap ng mga ebidensya at testigo sa ibang alegasyon sa Article 3 bukod sa pagpapalit-palit ng desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng flight attendants laban sa Philippine Airlines.

Pagkatapos nito, humarap na si Justice Secretary Leila de Lima bilang testigo sa Article 7 o ang diumano'y pagkiling ni Chief Justice Renato Corona kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nang maglabas ang korte ng temporary restraining order (TRO) laban sa watchlist order niya sa mag-asawang si Gloria at Mike Arroyo.

Ikinuwento ni de Lima ang mga nangyari bago ilabas ang TRO tulad ng pag-issue niya ng watchlist order laban sa mag-asawang Arroyo dahil sa mga kasong plunder at electoral sabotage at hindi niya pagpayag sa hiling ni Ginang Arroyo na makalabas ng bansa dahil kaduda-duda diumano ang dahilan.

Pinanindigan din niya ang desisyong hindi sundin ang TRO ng Korte Suprema pabor kina Arroyo lalo na nang malaman sa pamamagitan ng dissenting opinion ni Justice Maria Lourdes Sereno na hindi laman ng resolusyon ng korte ang mga tunay na nangyari sa botohan ng mga mahistrado.

Wala raw dapat bisa ang TRO dahil hindi nasunod ng mga Arroyo ang isa sa mga kondisyon na magtalaga sila ng legal representative.

Pero hindi raw ito nasunod dahil kay Chief Justice Corona.

“The clerk of court informs Justice Carpio that Chief Justice Corona sent in his own handwritten correction on the typewritten draft resolution from Justice Velasco with the instruction that the Chief Justice's version is to be immediately promulgated,” pagbasa ni de Lima sa dissenting opinion ni Justice Sereno.

“Hindi nga ho iyon ang pinag-usapan noong November 18. Ang resulta daw po ng botohan 7-6 is that they need not say or clarify na suspended ang efficacy ng TRO dahil hindi pa nakapag-comply,” dagdag pa ni de Lima.

Sa cross examination naman, tinanong ng depensa si de Lima kung ano ang karapatan ng Justice Department na kuwestyunin ang mga desisyon ng Korte Suprema.

“Why could there be a dispute relative to the validity of the resolution of the honorable Supreme Court?” tanong ni Justice Serafin Cuevas ng depensa.

“There is an issue because of the propriety of the TRO. We are questioning the propriety of the TRO because it violates or goes against the very essence of a TRO,” sagot naman ni de Lima.

Kinuwestyon din ng depensa ang pagbato ng sisi sa TRO kay Chief Justice Corona lang gayong hindi lang naman siya ang naglabas at pumirma rito.

Iginiit ng depensa na collegial ang mga desisyon ng korte at isa lang ang boto ng Chief Justice.

Para rin sa kanila, maituturing na hearsay o chismis ang testimonya ni de Lima dahil ibinase niya ito sa dissenting opinion lang ni Justice Sereno at wala siyang aktuwal na kaalaman.

Itutuloy pa ang cross examination bukas.

02/22/2012 10:59 PMBookmark and Share

2 comments

Ang tapang mo Madam!

Yan ang kailangan natin ngayun ang mga heroes gaya ni Madam Sereno na panig sa katotohanan. Ang buong madla ay hangang-hanga po sa inyo kung di po dahil sa inyo nakalipad na at tumatawa na sa ating lahat ang buwayang arroyo. Pa vessel belt pa ang lola na walang hiya. Sambayan ang nagloklok kay noynoy sa pangakong mapapakulong nya itong pinakamatas na opisyal sa ating bansa. Ngayun ay tinutupad lang nila ni Sec. De Lima at Pnoy ang sinupaan nila sa taong bayan. Wala pa sa kalahati ang bumuto sa bata ni gloria na si tibo at villar gets nyo? At pag hindi mo gets houston we have a problem! Kelangan ng reporma at dapat ngayun na! Ilabas ang katotohanan at syang magpapalyo sa ating bayan sa korap na katulad ni corona at gloria (trivia: gloria @ corona's favorite pet is no other than "CROCODILE" buwaya)


HINDI ALAM ANG HIGHEST LAW-SUPPORTER OF HACIENDA LUISITA FARMER

Ang Circular 41 ay hindi batas at kasulatan lang o ruling ng Justice Department. Epektibo lang ito kung walang nagrereklamoAng lahat ng batas sa Pilipinas ay ginagawa sa Congress at Senado. At inillalagay ito sa amendment ng CONSTITUTION -THE HIGHEST LAW OF THE LAND.Ito ang pumoprotekta sa karapatan ng bawat mamamayan ng Pilipinas.Ang Supreme Court ay taga interpret ng batas at naaayon sa CONSTITUTION na ang Circular 41 ay hindi batas at labag sa CONSTITUTION.Hindi ako maka ARROYO pero ito ay ayon sa batas. Kailangan sundin ng sino man kung ano ang sinasabi ng Supreme Court.Lumalabas na SI SEC. DE LIMA ay hindi sumusunod sa Saligang batas at halatang hindi niya alam kung ano ang mataas na batas sa bansa.At hindi mo pwedeng ihold ang isang tao na walang sakdal.Magbasa ka at alamin mo ang karapatan ng departamento mo bago ka manghusga.Mali ang paniniwala mo na ang Administrative o departamento mo ay mas makapangyarihan sa Supreme Court.MADAME MAGBASA KA AT NALALAGAY ANG KARAPATANG PANTAO NG BAWAT PILIPINO.NASAAN NA ANG HUMAN RIGHTS.