Grupo ng depensa, nakipag-party kay Corona


Doble ang saya ng abugado ni Chief Justice Renato Corona na si Ramon Esguerra. Kasabay ng kanyang 58th birthday, maganda rin ang kinalabasan ng impeachment trial kahapon para sa depensa.

Ikinatuwa kasi ng depensa ang pagbasura ni Senate President Juan Ponce Enrile ng mga testimonya kaugnay sa umano’y pagtanggap ni Corona ng mga pribilehiyo mula sa PAL kahit na may nakabinbing itong kaso sa Korte Suprema. Wala raw kasi ito sa reklamo ng prosekusyon laban kay Corona.

Sabi ni Esguerra, bihira na raw silang makapag-bonding dahil araw-araw ay nakasalang sila sa pagdinig.

Maliban pa sa kanyang pamilya, ikinatuwa rin ni Esguerra ang pagdating ng mag-asawang Corona.

Ayaw na muna nilang magbigay ng pahayag sa media. Nais na muna raw nilang manahimik, at huwag nang patulan ang mga patuloy na pagbatikos ni Pangulong Aquino.

Sabi naman ni Mrs. Cristina Corona, tanging sa Panginoon at sa isa't isa na lamang sila kumukuha ng lakas. Nakakapagpalakas din daw ng kanilang loob ang suporta ng defense team.

"The time grows stronger. We address all our problems collectively. We have taken into each other's arms leaps of faith,” sabi ni Atty. Jose Roy III ng defense panel.

"Birthday wish? The vindication of the Chief Justice as bright as the noontime sun,” sabi ni Atty. Ramon Esguerra.

Aminado ang depensa, marami pa silang mga balakid na haharapin. Jing Castaneda, Patrol ng Pilipino

02/22/2012 11:02 PMBookmark and Share

6 comments

Despedida

Despedida dapat tawag dito, hayaan nyo na, malapit na si Corona malayo sa supreme court -- at malapit sa Muntinlupa.


Party2x...hahaha..kwawa

Party2x...hahaha..kwawa nagpakasaya sa perang hndi sa kanila..wahahah


ABS-CBN panig sa katotohanan!

ABS-CBN ( all best shows - come fr best network) panig sa katotohanan... kelangan ng madlang pipol ang news na ito para mapukaw at manaig ang kanilang totoong damdamin sa nagaganap sa ating bansa lalo na pagbunyag ng mga katotohanan gaya ng ganito. Winawaldas ni corona at ng mga party mates nya ang pera nyang ninakaw sa kaban ng bayan, Mabuhay kayo ABS-CBN!


Ang mga walang hiya nag party na!

Ang mga walang hiyang buwaya nag party na! Si buwayang tatad nagala judas escariot at akala nila magandang tingnan ng madlang pipol at inyong pagpa party, sa lahat ng dinadanas ng bansa ngayun nagawa nyo pang magparty iba talaga mga buwaya kayo. Go abs-cbn ibunyag ang mga katarantaduhan ng party2x ni corona magnanakaw sa kaban ng bayan. Sa taong bayan parin ang huling halakhak nagpapatunay lang na wala silang mga bayag ginagastos ang pera ni corona na ninakaw sa ating kaban buwaya na magnanakaw si corona at yan ay napatunayan sa kanyang SALN at ITRs na hindi magkatugma pano nila i explain yan? wala na silang mapupuntahan, pa media2x pa at nag pa party pa panalo na ba kayo ha...ilabas ang katotohanan don lng tayo magkakaroon ng kapayapaan! I pity the team of corona!


ABS-CBN is now making its move to destroy CORONA.

'tang ina nyo OLIGARCH!!!

They were not partying instead they were just having their meal.

STUPID AND AQUINO-CONTROLLED MEDIA WILL DO ITS BEST TO FOOL THE EYES OF THE MASSES.

THAT's HOW ABS-CBIASEDN works!!!

---> "It doesn't take the most powerful branches of Government in the Philippines to create the next political conflict. Just the will of a single man. And that man is PRES. BENIGNO 'ABNOY' AQUINO III"

ABS-CBN is now making its move to destroy CORONA.

'tang ina nyo OLIGARCH!!!

They were not partying instead they were just having their meal.

STUPID AND AQUINO-CONTROLLED MEDIA WILL DO ITS BEST TO FOOL THE EYES OF THE MASSES.

THAT's HOW ABS-CBIASEDN works!!!

---> "It doesn't take the most powerful branches of Government in the Philippines to create the next political conflict. Just the will of a single man. And that man is PRES. BENIGNO 'ABNOY' AQUINO III"