Grace Ibuna, itinangging away-pera ang iringan nila ni Aleli

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Sa kanyang pagdating kagabi mula London, binuhos ni Grace Ibuna ang lahat ng kanyang emosyon sa mga kaibigan at pamilyang sumalubong sa kanya.

Nagkaiyakan sila ng mga anak ng yumaong Rep. Iggy Arroyo na sina Bianca at Dina Tantoco na bukod sa kanya ay napiling co-executor ng last will and testament ng kongresista.

Higit pa sa eskandalo at kasuhan nila ng dating asawa ni Iggy na si Aleli Arroyo, pinatingkad ni Grace ang alaala ng pagmamahalan nila ni Iggy, na nakasama niya ng anim na taon.

“Napakabait niyang tao. Until the last minute he was very strong. He called everyone that he was coming home,” sabi ni Grace.

Malaki din daw ang sakripisyo nito para sa pamilya.

“Iggy loved his brother more than his life,” sabi ni Grace.

Emosyonal din si Grace sa pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa pagsisikap nila ng mga anak ni Iggy na mabigyan ng maayos na paalam.

“Thank you is not enough to express our gratitude for everyone,” sabi ni Grace.

Sa puntong ito, ayaw nang makipag-away ni Grace kay Aleli.

“For the sake of peace, so that Iggy can be laid to rest. Nakiusap ‘yung dalawang anak ni Iggy na parang anak ko na rin na para matapos na lang, pagbigyan na namin siya,” sabi ni Grace.

Nagkatawanan lang sina Grace nang masambit niya ang ngalan ni Iggy sa ganitong paraan.

“I just want a dignified burial for my husband—sorry, strike that out—for my partner, whatever you may call it. Sorry attorney, did I give you a problem?” sabi ni Grace.

Napakabigat din daw ng responsibilidad na iniwan sa kanya ni Iggy na hinabilin sa kanya ang paghawak ng kanyang yaman kasama ang anak niyang si Dina.

Kung tutuusin, ayon sa mga kaibigan, hindi na kailangan ni Grace ng pera dahil may sarili itong yaman at kabuhayan.

Itinuwid ni Grace ang pananaw na away sa pera ang isyu.

“For the record, it wasn’t about money,” sabi ni Grace.

Hindi rin daw mabubura magpakailanman ang pag-iibigan nila ni iggy.

Matapos sa burol sa La Vista, nakatakdang sumama ni Grace sa Negros Occidental para sa huling paalam ng kababayan ni Iggy. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino

03/01/2012 9:15 PM