Gabriela marks 25th anniversary, Women's Day with protest
Posted at 03/08/2009 4:46 PM
Nag-rally sa Welcome Rotonda sa Lungsod Quezon ang grupong Gabriela bilang pagdiriwang sa kanilang ika-25 anibersaryo at pag-gunita na rin sa International Women's Day.
Maliban kina Gabriella Partylist Representatives Liza Masa at Luzviminda Ilagan, dumalo rin sa nasabing pagtitipon si ZTE-NBN star witness Jun Lozada.
Nananawagan ang grupo na ibasura na ang Visiting Forces Agreement o VFA at wakasan ang umano'y pagiging "puppet" ng gobyernong Arroyo sa Estados Unidos. News Patrol