Erap belittles Pacquiao's endorsement
Erap belittles Pacquiao's endorsement
03/17/2010 2:13 AMPagkatapos nang matagumpay niyang laban kay Joshua Clottey, panibagong bakbakan naman ang haharapin ni Manny Pacquiao pagbalik sa bansa---ang pulitika. Sabi ni Pacquiao, uumpisahan na niya ang pangangampanya para sa pagka-kongresista sa Sarangani, pati na ang pagtulong sa kampanya ni Nacionalista Party standard-bearer Manny Villar. Pero minaliit ni dating Pangulong Joseph Estrada ang gagawing pangangampanya ni Pacquiao kay Villar. Ayon kay Estrada, hindi epektibong political endorser si Pacquiao.