SC: Arroyo can appoint next Chief Justice


Maaring mag-appoint si Pangulong Arroyo ng bagong Chief Justice bago magtapos ang kanyang termino. Ito ang naging hatol ngayon ng Korte Suprema sa kabila ng isyu tungkol sa midnight appointments. Inatasan na ng Supreme Court ang Judicial and Bar Council na magsumite ng listahan ng mga nominado bago mag-retiro sa May 17 si Chief Justice Reynato Puno. Pero maari pa ring magsampa ng motion for reconsideration ang sinumang tutol sa desisyon. Nagpa-Patrol, Timi Nubla. TV Patrol World, Miyerkules, Marso 17, 2010

03/17/2010 10:29 PMBookmark and Share