SC decision ‘last phase’ in prolonging Arroyo presidency


Inakusahan ngayon ng dean ng UP College of Law ang Korte Suprema na nagpapagamit sa pulitika matapos itong magpasya na ibigay ang kapangyarihan sa Pangulong Arroyo na magtalaga ng bagong Chief Justice. Nangangamba rin ang akademya na mauwi sa kaguluhan kapag tuluyan nang mawalan ng kredibilidad ang kataas-taasang hukuman.
Ibinunyag naman ni ZTE whistleblower Jun Lozada na ito na ang huling yugto ng plano para mapalawig ang panunungkulan ng Pangulong Arroyo. Nagpapatrol, Henry Omaga-Diaz. TV Patrol World, Huwebes, Marso 18, 2010

03/18/2010 11:00 PMBookmark and Share