Mourners pay respects to Angelo Castro Jr.

Posted at 04/07/2012 5:48 PM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Pumanaw na ang batikang journalist na si Angelo Castro, Jr. noong Huwebes. Kahapon bumisita si Pangulong Noynoy Aquino at naghayag ng kanyang paghanga kay Castro.

Patuloy ang pagdating ng mga nakikiramay na kaanak at kaibigan ng pamilya Castro sa kanilang tahanan dito sa Quezon City kung saan nakalagak ang mga abo ni Angelo Castro, Jr.

Huwebes nang hapon nang pumanaw si Castro sa ospital dahil sa sakit na lung cancer.

Mapayapa ang naging pagpanaw ng batikang broadcast journalist na si Angelo Castro, Jr. ayon sa kanyang anak na si Diego. Katunayan, madami raw itong inihabilin sa kanila.

“He was saying things like taking care of the family, asking for forgiveness, ‘I love you’s,’ and most of the discussions were done in writing, because he couldn’t talk anymore because the water was already building up,” ani Diego.

Hanggang sa mga huling sandali ay naging mapag-biro ang kanyang ama.

“No matter how sick he’d get, he’d always [say he's] more handsome than me,” sabi ni Diego.

Ayon sa asawa ni Castro na si June Keithley, tanggap ng kanyang asawa na sumakabilang-buhay. Pero higit sa lahat, kahit na may pinagdaraanan ring cancer si Keithley ay nanatili itong matatag.

“I cried of course, because my article on Sunday is about the love of my life, who really always was the love of my life. No matter what happens, he’s the love of my life,” sabi ni Keithley.

Dumalaw ang mga kaibigan, kaanak at kasamahan sa trabaho sa burol. Isa na dito si ABS-CBN Regional Network Group head Charie Villa. Ayong kay Villa, kahit mahigpit at isang perfectionist si Castro, kapamilya ang turing niya sa mga katrabaho.

Isa sa mga haligi ng industriya si Castro, noong panahon ng martial law, sa pagkasara ng ABS-CBN, ang tahanan ni Castro ang naging newsroom. Tuloy parin sila sa paghatid ng balita.

“We made this house into our newsroom noong December 1989 coup, and I was telling June how Angelo and her would deploy us. She would be like our mom, she’d give us prayers. She gave me a rosary in my vest,” ani Villa.

Dumalaw din si Presidente Noynoy Aquino sa burol. Matagal din nakipag-kuwentuhan ang presidente sa pamilya Castro, at umaming puno siya ng paggalang sa batikang broadcast journalist.

“Napaka-central figure niya noong panahon ng EDSA lalo na, kung saan nakaramdam tayo ng pagkakamit ng tunay na impormasyon,” sabi ni Aquino.

Hanggang Miyerkules and burol ni Castro sa kanilang tahanan.

Humiling naman ang mga malalapit na kaibigan ng pamilya Castro na i-extend pa ang burol dahil karahiman sa kanila ay mga nasa out-of-town pa.

Martes naman ay dadalhin ang abo ni Castro sa ABS-CBN para sa isang necrological service.