After SARS, bird flu, 'Ebola,' it's swine flu
Pagkatapos ng SARS, bird flu at Ebola Reston virus, swine flu virus naman ngayon ang binabantayan. Iyan po ay virus o trangkaso sa mga baboy. Dito sa Pilipinas, mga kapamilya, kumilos na ang Department of Health para pigilan ang pagpasok ng mabagsik na swine flu virus na kumakalat sa ibang bansa, partikular sa Mexico City.
Sa ngayon, isangdaan at tatlo katao na ang namatay sa Mexico, at mahigit isang libo ang suspected cases na binabantayan sa iba-ibang panig ng mundo, partikular sa Amerika at Europa. Pero wala namang naitatala sa Pilipinas. Nagpa-Patrol, Jing Castañeda. TV Patrol World, Abril 27, 2009







