BEIs worried over polls as CF cards’ errors become exposed
Inaantabayanan pa rin ng mga Board of Election Inspectors sa ilang polling center sa Maynila ang pagbawi sa mga compact flash cards na nakakabit sa mga PCOS machine. Umaga pa lang kasi ay inanunsyo na ang recall ng mahigit 70,000 compact flash cards. Nag-aalala naman ang maraming guro sa kahihinatnan ng halalan, matapos ang mga aberya sa testing sa mga makina kahapon. Mula sa Tondo, Manila, nagpa-Patrol, Ryan Chua. TV Patrol World, Martes, Mayo 4, 2010







