Ombudsman ibinasura ang graft case vs GMA at 6 pa


Ibinasura ng Ombudsman ang kaso laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at anim pa kaugnay sa diumano’y panunuhol noong 2004 elections.

Walang nakitang sapat na ebidensya si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Arroyo nang magpahiram siya diumano ng sasakyan kabilang na ang helicopter sa pamimigay daw ng pera sa ilang election officers sa Mindanao.

Bukod kay GMA, absuwelto rin sa kaso sina dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano, dating Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Alfonso Cusi, dating PPA Manager Efren Ballozos, dating Justice Secretary Agnes Devanadera, dating Shariah Circuit Court Judge Nagamura Moner at dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo.
 

06/06/2012 10:04 PM