Same sex marriage sa Baguio City, binatikos ni Bishop Teodoro Bacani


Nakiisa sa parada at pagdiriwang ng lesbian, gay, bisexual, transgender groups o LGBT pride month ang ilang miyembro ng Metropolitan Community Church o MCC.
 
Sila ang grupong nagdaos ng same sex marriage noong Sabado sa Baguio City. Binatikos ni Bishop Teodoro Bacani ang ginanap na same sex marriage sa Baguio.

“Sorry na lang pero napapangitan ako talaga, para sa akin 'kadiri,” sabi ni Bacani.

Hirit naman ni Reverend Ceejay Agbayani, miyembro ng MCC, hindi sila dapat pakialaman ng mga obispo dahil hindi naman sila Katoliko.

"Wala namang nakakadiri sa pagmamahal. Ang nakakadiri ay ‘yung panghuhusga  ng mga obispo sa mga taong nagmamahalan,” sabi ni Agbayani.

Pero para kay Bacani, dapat kasuhan ang pastor na nagsagawa ng seremonya dahil iligal ito at wala raw marriage license ang mga nagpakasal.

Dapat din daw masuspinde ang lisensya ng mga pastor na nagkakasal.

Pero nanindigan si Agbayani: Wala silang nilalabag na batas.

“Hindi naman siya iligal, wala kaming nilalabag na batas,” sabi ni Agbayani.

Kung si Bacani ang tatanungin, gusto niyang i-boycott ng publiko ang same sex marriage ceremonies na ginagawa ng MCC.

“It’s not right for people to participate on moral grounds,” sabi ni Bacani.

Isang konsehal ng Baguio City ang nagpanukala na imbestigahan ang naganap na same sex marriage sa lungsod.

Ang resulta raw nito ang magiging basehan kung dapat silang ideklara na persona non grata ng Baguio City. Sheryll Mundo, Patrol ng Pilipino

06/28/2011 10:39 PMBookmark and Share

4 comments

Democratic Country

The CBCP and the unnamed Councilor in Baguio City should know that we are a democractic country and not a Catholic country (read: Taliban Country).

Shouldn't the Catholics been declared long time ago as persona non grata, they have everything to do with the killings and enslavement of our forefathers? And among religious denominations, sila ang may pinakapopular and rampant case of child molestation, don't you think so?

Kung gusto nyo ng respeto at tahimik na buhay, respect other religions also; otherwise, you are inviting a war that you should have never started because it will spiral and will haunt you.


Kadiri Ka Rin !

Mr. Bishop, you do not sound like you are a man of God. When you die, you go to hell faster than the gays.


"kadiri" daw ang same sex

"kadiri" daw ang same sex marriage sabi ni Bacani. kasing kadiri po ba yan ng mga pedopilyang pari na nang aabuso sa mga bata? kasingkadiri po ba yan ng mga paring bakla na palihim na pumapatol sa mga lalaki? kasingkadiri po ba yan ng mga paring may mga anak pero itinatago sa mga tao? kasingkadiri po ba yan ng mga obispong nakasakay sa Pajero courtesy ni Gloria Arroyo na kinuha sa pondo ng PCSO.

nalimutan ni Bacani na ilang taon na ang nakalipas, inakusahan siya ng isang babae ng pambabastos sa kanya. sekretarya pa yata niya yon. di kaya "kadiri" yon kung totoo ang paratang ng naturang babae.

sino tayo para humusga sa ibang tao? at least ang mga babae at lalaking nagpakasal sa kapwa nila babae o lalaki ay nagsikap na gawing banal at katanggap tanggp ang kanilang pagmamahalan sa paraang alam nila at sa paraang hindi patago o palihim. ang iba naglilinis linisan, nagbabanal banalan pero madaming itinatagong "kadiri!"


Let us put this to the test

I agree with Mr. Agbayani, hindi nga sila Catholics kaya daw hindi sila dapat pakialaman ng mga obispo but one thing is sure Filipino ang mga members na ito ng MCC so subject pa rin sila ng Philippine laws.

Once and for all, to settle the issue na wala daw sila umano na nilalabag na batas, let us file cases sa court against sa mga nag officiate nito. Pati na rin mga involved in order for the truth/facts to come out. It is healthy for our justice system para magkaron na ng precedent for the future.

Matt