Yumul: Hindi 'Jurassic' ang PAGASA
Ipinakita sa ABS-CBN News ng PAGASA ang kanilang satellite images na kung tutuusin ay kaya raw pagkunan ng hourly updates sa sentro at tinatahak ng bagyo.
Ayon kay Dr. Yumul, officer-in-charge ng PAGASA, hindi totoong “Jurassic” ang ahensya tulad ng inirereklamo ng dating pamunuan.
May 5 satellite images mula sa mga receiving stations na kinukuhanan ng impormasyon ang PAGASA sa tinatahak ng bagyo.
Ang meteorological satellite na nagkakahalaga ng P10 milyon, ang NOAA satellite na P10 milyon, ang Modis na P25 milyon ang FY2 mula China na nakuha mula sa P25 milyon na grand at ang WAFS na P5 milyon.
Ayon kay Dr. Nathaniel Servando, bagong chief forecaster ng PAGASA, communication equipment lamang ang problema noon kaya hindi sila nagbibigay ng hourly updates.
Ngayon, P100 milyon ang inilaan para dagdagan ang “automatic weather stations” na magbibigay ng kumpletong impormasyon tulad ng bilis at direksyon ng hangin at ulan.
Sa 12 doppler radars na kinakailangan, may 11 na ang PAGASA.
Sinusukat ng Doppler radar ang dami ng ulan.
Ayon kay Yumul, hindi totoong napabayaan ang PAGASA.
“Around P3.5 billion na ang investment natin sa PAGASA,” ani Yumul.
Pero ayon kay Prisco Nilo, dating hepe ng PAGASA, hindi totoong kayang magbigay ng hourly updates ng ahensya tulad ng sinasabi ni Yumul.
“Hindi pa available iyong mga equipment to enable us to do that 'tsaka ‘di kakayanin ‘yon na parang bulletin update… Ginagawa actually ‘yan noon kaya lang ang mga forecasters ang sinasabi nila, ‘di ako gumawa niyan..puro estimate lang din ‘yan,” ani Nilo.
Ayon kay Nilo, tanggap niya anuman ang paghuhusgang gawin sa kanyang trabaho noon.
Nilinaw naman ni Yumul na 3 buwan lamang siyang uupo bilang officer-in-charge ng PAGASA at si Dr. Servando na ang siyang mamumuno ng forecsting sa ahensya.
Ayon sa PAGASA, uupahan rin nila ang communications systems na B-GAN satellite na ginamit ng Commission on Elections noong nakaraang halalan para solusyunan ang limitasyon nila sa komunikasyon.
Dito nangako ang PAGASA na kakayanin nilang magbigay ng hourly update at sa mga weather bulletin naman, mula “every 6 hours” ibababa nila ito sa “every three hours.” -- Karen Davila, Patrol ng Pilipino








Weather forecasting
Lagyan ninyo ng mga deck officers o mga marino ang PAGASA upang regular ang weather forecasting and tracking na di kailangan ang mga mamahaling mga gamit. Ang mga weather fax na galing sa U.S., Japan, Australia, Taiwan, at China ay sapat-sapat na upang alamin ang kalagayan ng panahon. Kailangan lang ng dedikasyon at kaalaman sa weather forecasting. Si Doc Nilo, kaya kayang gawin ito ng nag-iisa? Ang sagot? OO. Basta alam mo ang iyong ginagawa.
Test of the Pudding is in the Eating
Ipakita at ipadama sa mamamayan ang pag buti ng serbisyo ng PAGASA dahit ito lang ang mapapakita na walang pulitika ang nangyari. Tumigil na muna ang magkabilang panig sa press release. Pag walang improvement sa madaling panahon, pulitika and nangyari. Hindi na kailangan ni Nilo ng press release. Bayan mismo ang magsasabi na napulitika sya at dapat patalsikin ang bagong nagpapasikat. Pag nag improve naman, tanggapin ni Nilo na dapat syang palitan.
Ngayon pinalalabas na sinungaling si Dr.Nilo
"...nangako ang PAGASA na kakayanin nilang magbigay ng hourly update at sa mga weather bulletin naman, mula “every 6 hours” ibababa nila ito sa “every three hours...”
Akala ko ba ang pingayayabang ni Yumul ay hourly updates. Eh, bakit pangako ni Servando ay every 3 hours? Ano ba talaga?
Pag nagpapalusot ka talaga, pa iba-iba ang masasabi mo.
hourly updates
kaibigan, ang hourly updates ay dapat lamang ibigay kung nag land fall na ang bagyo. karaniwan, habang ang isang low pressure area ay malayo pa at wala pa sa area of responsibility, 6, 12, 24 at 36hrs ang updates. ginagamitan ito ng kalkulasyon. at madalas kung minsan, nababago ang tahak ng bagyo sa maraming kadahilanan tulad ng tinamaang mountain ranges na kung saan bumabagal ang bagyo o may iba pang LPA sa paligid o lalong bumibilis kung ito ay nagdaan sa kapatagan. plus at minus lang po ang kailangan. kailangan lang talaga ng vigilance at alertness sa pagbabantay at pagtatahak ng bagyo. Noong araw, naglabas ang mga pahayagan ng mga weather charts na pwedeng gamitin ng mga mamamayan sa pag-pa-plot ng bagyo. Kaya mo iyan - at kayang gawin ito ng lahat.
Teka, nag bidding ba?
"...uupahan rin nila ang communications systems na B-GAN satellite na ginamit ng Commission on Elections noong nakaraang halalan para solusyunan ang limitasyon nila sa komunikasyon..." - Yumul ng PAGASA
Teka, nag-bidding ba?
Dr. Yumul stop lying. If you
Dr. Yumul stop lying. If you will review past news clips and articles regarding Dr. Nilo, he never said or complained that pagasa has an outdated (jurassic) equipment. He was telling the president and the public that what pagasa needs is a fast and reliable interconnections. How can you say that an hourly update is possible? Are you a forecaster? Why don't you let the forecasters speak the truth? Dr. Yumul statement is clearly to gain "pogi" points. Media ask the pagasa personnel what they think of the new OIC because he has been there before.