Grupo ng mga scientist at academicians nagbubuo ng flood hazard map
Sa Barangay Sta. Ana sa San Mateo, Rizal, hanggang bubong ang naranasang baha noong Bagyong Ondoy pero hindi pa rin nililisan ng mga residente ang lugar.
Ang ilang residente bumuo na ng rescue team. May nakahanda nang mga salbabida at lubid.
Sa oras daw nang pagbaha, sa isang pampublikong paaralan agad ang takbo nila.
Ayon sa isang grupo ng mga scientist at academician kahit saang bahagi ng bansa nakatira, dapat maging handa sa tuwing may inaasahang malakas na pag-ulan.
Boluntaryong bumuo ang grupo ng flood hazard map kung saan matutukoy ang mga lugar na madaling bahain.
Gumamit sila ng simulation program. Uulitin ang dami ng tubig na ibinuhos noong panahon ng bagyong Ondoy at makikita kung saan-saan ito dadaloy at maiipon.
Makikita ang mapa sa Internet sa www.nababaha.com, kapag pinindot ang isang lugar ay malalaman lahat ng detalye rito.
Base sa mapa, malaking bahagi ng Marikina ang nakapula o flood prone.
Maging ilang bahagi ng istasyon ng MRT sa may Quezon Avenue at Cubao ay bahain rin.
Nais ng grupo na makakuha ng suporta sa gobyerno para magamit ang mapang kanilang binubuo sa disaster preparedness and planning.
Pero 40 porsiyento pa lamang ng mapa ang tapos. Gusto ng grupo na mabuo ito sa loob ng tatlong buwan.
Gayunman, kahit mabuo na ang flood hazard map ay kailangan pa rin nito ang regular na update dahil sa urbanization, pabago-bago ang paligid, dumadami ang gusali, tinatambakan ang mga daluyan ng tubig kaya dumarami din ang mga lugar na bahain. – Zen Hernandez, Patrol ng Pilipino








pagkatapos???
pagkatapos ng map????? dapat gawa naman sila ng project study kung ano ang practical na solusyon. yun bang kayang pagawa sa kukurampot na pera ng pilipinas. alam na naman na bumabaha eh yung solusyon ang kailangan.