Singson pinayagang magpiyansa ng Hong Kong court


Ikinatuwa ng amang si Ilocos Sur Governor Chavit Singson at girlfriend niyang si Lovi Poe ang pagpayag ng huwes sa Hong Kong na magpiyansa si Congressman Ronald Singson.

Halagang HK$1 million o halos P6 milyon ang ibinayad ni Singson.

Bukod pa dito, nagbayad din ng tig-HK$0.5 milyon bilang surety bonds ang dalawang kaibigan ni Congressman Singson na sina Annie Shie at Derrick Wong, kapwa negosyante.

Sa kanila ipinagkakatiwala ng korte ang akusado.

Abot sa 26.1 gramo ng cocaine ang nakuha umano kay Singson nang mahuli siya sa Hong Kong airport, pero matapos ang laboratory tests, nalaman na 6.7 gramo lamang ang “purity” nito.

Hindi naman nangangahulugan na tapos na ang kalbaryo ni Congressman Singson. Kailangan pa niyang dumalo sa mga paglilitis sa Hong Kong simula Setyembre 7, 2010.

Kahit nabawasan ang gramo ng cocaine na nakita sa kanya noong Hulyo, maaari pa rin siyang makulong dahil dito.

Kahit pa nabayaran ang piyansa, hindi pa rin makakalabas ng kulungan si Singson hanggang hindi niya naisusuko ang kanyang pasaporte sa korte.

Iyon nga lang, hawak pa rin ng Hong Kong immigration ang kanyang pasaporte.

Humingi ang kanyang mga abogado ng hanggang alas-5 ng hapon ng Biyernes para maayos ang gusot na ito.

Para naman kay Congressman Romero Quimbo, na sugo ng Kongreso, tapos na ang kanyang misyon.

Pero para kay Chavit, nagsisimula pa lamang ang laban.

Kailangan daw mapawalangsala ang kanyang anak, lalo na at naniniwala siyang na-set up hindi lamang si Ronald, kundi ang buong pamilya Singson. – Henry Omaga Diaz, Patrol ng Pilipino, Hong Kong

08/20/2010 3:29 AMBookmark and Share

19 comments

kasinungalingan

SE-UP??? bakit hindi niya sabihin sa korte yan ng pati siya makulong. gumawa ng kahihiyan ang anak pinagtanggol pa na set-up ang lahat. walang pagsisisi at pagpapakumbaba mukhang walang natutunan sa mga pangyayari. ano pa nga ba ang matutunan ng anak kung ang ama ay ganito ang pananaw sa buong pangyayari.

@wolfjohn......ano naman ang kainggit-inggit sa buhay nila? mas gugustuhin ko pa na maging mahirap kaysa mayaman na nagdadala ng kahihiyan sa buong pilipinas.


WHO ELSE IS BUYING CHAVIT SINGSON'S STORY?

This criminal mind Chavit really likes the "set-up" scenario just like what he did with the 2 sacks of paper bills he brought at Erap's Polks Street house. I don't think they can bribe the communist leaders of China.

---------- Don't label me I am original! ----------

Im not buying it!

Im still praying Junior gets the maximum.


WHO ELSE IS BUYING CHAVIT SINGSON'S STORY

This criminal mind Chavit really likes the "set-up" scenario just like what he did with the 2 sacks of paper bills he brought at Erap's Polks Street house. I don't think they can bribe the communist leaders of China.

---------- Don't label me I am original! ----------

setup or not

setup or not it's still a crime and abuse of power and worst of all a philippine lawmaker a lawbreaker. is that a kind of person you selected to represent your ways of life? well sorry sa region na ito, most filipinos don't agree with your fundamental nature.


TAMA LANG NA MAKALAYA

Sabi Ni Gov.Singson..set-up daw eh...imbestigahan muna baka pulitika nga or kalaban sa negosyo.Hirap kasi dito sa atin inggit ang umiiral..


INGGITERA'T INGGITERO

Nakaka-inggit na pala ngayon ang drug pusher at ikulong ng komunistang HK authorities. Mahihirapan ma-abswelto sa HK dahil komunista na ito ngayon.

---------- Don't label me I am original! ----------

Addict!

Addict naman talaga yang si Ronald Singson eh! Pareho lang sila ni Jules Ledesma! main supplier ng shabu and cocaine sa Ilocos yang si Singson!


COMMUNIST HK AUTHORITIES INVESTIGATES

Little do we know the Communist HK authorities and maybe US, Japan, Malaysia, Singapore, Vietnam and Indonesia are making their own investigation here on who really are the "who's who in the Philippine drug cartel".

Maybe HK authority caught one of the Philippine "big fish". This is already a victory over "illegal drug cartel".

---------- Don't label me I am original! ----------

addict:

Papano mo alam na adik si Ronald Singson?kasama mo ba sia na tumira or nakita mo ba mismo sa iyong mata na nagdrugs sia?puro kayo haka haka...wala naman kayong proof..