Prangkisa ng mga 'killer' bus 'di basta-basta nababawi


Ang pagkahulog sa bangin ng Eso-Nice Bus Miyerkoles ng umaga sa Sablan, Benguet ay isa lamang sa dumaraming bilang ng mga aksidente na kinakasangkutan ng mga pampasaherong bus.

Ang masaklap pa, hindi ginagawang basehan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ganitong mga aksidente para tuluyang kanselahin ang prangkisa ng mga bus na ito.

Ito ay dahil sa kahit patawan ng preventive suspension ang isang kompanya na nakaaksidente,  puwede itong bawiin agad ng LTFRB basta nasunod ng  kompanya ang mga rekisitos na hihingin ng ahensya para masigurong ligtas ibiyahe ang mga bus nila.

Agosto 2009, patay agad ang 3 taong-gulang na bata at sugatan naman ang kanyang ina nang masagasaan ng Jell Transport Bus habang tumatawid sa EDSA.

Nitong Hunyo, 20 naman ang namatay at 30 ang sugatan nang mahulog sa bangin sa Cebu ang isang tourist bus ng mga Iranian medical students.

Nitong Miyerkoles lamang, nahulog sa bangin sa Sablan, Benguet ang Eso-Nice Bus.

Ilan lamang ang mga ito sa dumaraming bilang ng mga bus na nasasangkot sa aksidente taun-taon.

Ayon sa LTFRB, pinapatawan agad ng preventive suspension ang kompanya ng bus na nasasangkot sa aksidente at iinspeksyunin din ang iba pang bus ng kompanya para matukoy kung ligtas itong ibiyahe.

Sasailalim naman sa training program at drug tests ang mga bus drivers ng mga ito.

Pero kahit makaaksidente ang isang bus, ayon sa LTFRB, hindi pa rin sapat ito para tuluyang makansela ang kanilang prangkisa.

Masunod lamang ng kompanya ang requirements ng LTFRB at napatunayang ligtas ang kanilang bus, puwede na silang bumiyahe ulit.

Dahil karamihan ng aksidente ay nangyayari sa probinsya, uumpisahan na ng LTFRB ang training program sa mga drivers ng bus sa regional offices nila para matiyak na kabisado nila ang mga daan sa kanilang ruta. – Sheryll Mundo, Patrol ng Pilipino

08/20/2010 12:50 AMBookmark and Share

1 comment

Not fair

This is unfair and unjust.

Ask yourselves, do the penalties in any way match or at least attempt to compensate for the lives lost?

Maybe before inspecting the buses for safety and retraining drivers, LTFRB should retrain their own inspectors or better yet, hire license professionals to inspect these buses. Obviously, they do not seem to know how to inspect buses. Eh ang alam lang ata ng inspectors niyo eh humingi ng kotong!

Better yet, why can't we just retrace the last inspector of the bus involved in a collision, then present him to media so that he can answer our questions? If LTFRB can't hold their inspectors accountable...I'd be naive not to think anything fishy was going on.

toomsy2003