HK tourist na nakalusot sa bus hostage, wasak ang panga
Kahit pa nakakabit ang respirator, inilabas nitong Miyerkoles ng Philippine General Hospital (PGH) ang isa sa mga hostage victims.
Nabaril sa panga ang 34-anyos na si Yik Siu Ling kaya kinailangan niyang sumailalim sa operasyon.
Bahagyang naputol din ang tatlo niyang daliri dahil sa tama ng mga bala.
Dahil sa operasyon sa panga hindi makapagsalita at makakain si Ling.
Kinailangan kabitan siya ng tubo para makakain at gamitan ng respirator para makahinga.
Sa kabila nito, stable raw si Ling.
Agad pumunta mula Hong Kong ang babaeng kapatid ni Ling.
Balisa raw ito at iyak nang iyak.
Naghihintay din sa PGH ang ilang Hong Kong press. Sabik na makakuha ng balita tungkol sa kanilang kababayan.
Sinabi naman ng doktor na makaka-recover din si Ling matapos ang isa o dalawang buwan.
Kailangan lamang niya ng major reconstructive surgery sa panga.
Ililipad Miyerkoles ng gabi si Ling sa Prince of Wales hospital sa Hong Kong sakay ng air-med. – Niña Corpuz, Patrol ng Pilipino
08/25/2010 9:55 PM








Sa PGH Dinala?
Di ako makapaniwala na sa PGH lang dinala. Sana man lang eh ung maayos ayos na ospital. Dahil ba PGH ang pinakamalapit? Sana man lang sa Saint Luke's Medical Center. Kahit sinagot na lang ng gobyerno ang gastos. Nakakahiya na nga na pumalpak ung mga pulis natin kaya nabaril ung pasyente tapos nakakahiya tuloy lalo at sa bulok at mabahong ospital pa dinala. Ako man ang kamag anak nung pasyenteng taga HK eh aalisin ko talaga agad dun ung kamag anak ko.
SYEMPRE ILILIPAT NA SA HONKONG
WALA NG TIWALA ANG HONGKONG SA KAKAYAHAN NG PINOY.