'Election IT personnel should also be trained'
Siyam na buwan na lang bago mag-halalan, pero aminado ang Comelec hindi pa bihasa ang mga guro sa pag-operate ng automated counting machines! Kaya naman magtatalaga ang Comelec ng 80,000 information technology personnel sa buong bansa para tumulong sakaling pumalya ang mga makina.
Pero babala ng ilang kritiko, dapat malinaw sa IT support team ang sakop ng kanilang responsibilidad para hindi sila magamit sa dayaan. Nagpa-Patrol, Ina Reformina. TV Patrol World, Miyerkules, Agosto 26, 2009
08/26/2009 11:07 PM







