Paghanda laban sa dengue, ibinahagi ng mga Bayan Patroller
Sa Cavite, inireklamo ni Luisa Montoya ang maruming swimming pool sa likod ng kanilang subdivision. Napupuno na rin daw ito ng tubig-ulan! Pangamba nila, baka pamugaran ito ng mga lamok kung hindi aaksyunan.
Sa Las Piñas City, ipinadala naman ng Bayan Patroller ang litrato ng baradong creek dahil sa mga tambak na basura sa Barangay Manuyo Dos!
Panawagan niya, hakutin na sana ng city garbage collection ang mga basura!
Ang Roxas City naman sa Visayas, isinailalim na sa state of calamity dahil sa dengue outbreak.
Pero sa video na ipinadala ng Bayan Patroller tila mabagal pa rin ang aksyon ng lokal na pamahalaan para maiwasan ang dengue! Mistulang ilog pa rin daw kasi ang baha sa kanilang barangay tuwing umuulan!
08/26/2010 11:26 PM








Mabagal ba?????????
baka naman walang pondo, siguro kapag marami nang taong may denge tsaka magkakaroon ng pondo. (ganyan ang pinoy)