Pamilya Mendoza nag-sorry sa HK media


Sa gitna ng pagdarasal nitong Huwebes sa burol ni Senior Inspector Rolando Mendoza nang dumating ang news team ng Hong Kong TVB.

Unang nilapitan para ma-interview ang kapatid ng hostage taker, si Florencio Mendoza.

“Ay hindi naman ako naiilang. Sabi ko I can talk a little Chinese,” ani Florencio.

Nang matapos ang dasalan nakapasok ang mga dayuhan at mismong ang asawa ni Rolando Mendoza na si Aurora ang humarap sa kanila.

Humarap din sa mga dayuhan ang panganay at bunsong anak ni Senior Inspector Mendoza.

Pero bago magpa-interview inalok muna ng pamilya ang mga dayuhan ng pananghalian.

Bagay na tinanggap din ng maluwag ng dayuhang mamamahayag.

Sa harap ng kainan nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magkapalagayan muna ng loob.

Nang sumalang na sa interview pambungad ng anak ng hostage taker ang paghingi ng paumanhin sa mga biktima.

Nasundan pa ang pagdating ng ibang media mula sa Hong Kong at gaya ng nauna, mainit din na pagtanggap ang ipinakita sa kanila ng pamilya Mendoza.

Totoong hindi makukuha sa simpleng “sorry” ang paghingi ng kapatawaran sa lahat na nangyari, pero ang pagkilala ng pamilya Mendoza sa pagkakamaling nagawa ng kanilang ama, at paghingi ng kapatawaran sa mga mamamayan ng Hong Kong ay unang hakbang para maging mas magaan ang kalooban ng pamilya ng mga biktima. – Jorge Cariño, Patrol ng Pilipino

08/27/2010 2:18 AMBookmark and Share

4 comments

Air jordan(1-24)shoes

Air jordan(1-24)shoes $33

Nike shox(R4,NZ,OZ,TL1,TL 2,TL3) $35
Handbags(Coach lv fendi d&g) $35
Tshirts (Polo ,ed hardy,lacoste) $16

Jean(True Religion,ed hardy,coogi) $30
Sunglasses(Oakey,c oach,gucci,Armaini) $16
New era cap $15

Bikini (Ed hardy,polo) $25

FREE sHIPPING
http://www.popbuynow.com


Good job Mendoza Family

No matter how small it is, this is the first step in the long process of mending both parties hearts.


If there's anyone RESPONSIBLE

If there's anyone RESPONSIBLE and ACCOUNTABLE for what had happened, it's the PNP and the DILG. He wasn't asking for millions, nor was he asking for terrorists to be released. This could've been resolved peacefully and a lot faster. Mendoza's family was humble enough to own up to the mistake that was done and give an apology. For that alone, Rolando Mendoza must've done something good.


GOOD ENOUGH IT'S A TRAGEDY

GOOD ENOUGH IT'S A TRAGEDY AND APOLOGY WAS GIVEN AND SHOULD BE FORGIVEN.
IT WAS NOT MEAN TO HAPPENED.
THE ONLY BAD THING IS THAT THE PNP WHO WAS HANDLING THE CASE NEEDS DISCIPLINE AND OR FIRED THEM IF FOUND OF INCOMPETENCE AND NEGLIGENCE OF THE SITUATIONS.

lionlady