Pagbaril sa mga gulong nagpagalit umano kay Mendoza
Ang pagbaril ng mga pulis sa gulong ng tourist bus ang umanoy naging mitsa ng pagwawala ng hostage taker na si dating Senior Inspector Rolando Mendoza.
Ito ay base sa kuwento ng mga nakaligtas sa hostage-taking na lumabas sa pahayagan sa Hong Kong.
Huling araw na sa Pilipinas ng mga turista mula sa Hong Kong nang umakyat sa kanilang bus ang isang lalaki na naka-camouflage fatigue uniform na kinilalang si Mendoza.
Umalma ang tourist guide na si Diana Chan, pero hindi na sila nakapalag nang makita ang dalang armalite at dalawang baril ni Mendoza.
Iniutos ni Mendoza na dalhin ang bus sa Quirino Grandstand, kung saan siya nagdeklara ng hostage.
Ayon kay Chan, sinabi sa kanila ni Mendoza na gusto niyang maibalik siya sa serbisyo.
Pinaupo sila sa likod ng bus, pinababa ang mga kurtina at kinuha ang kanilang mga cellphone.
Pero ang isa pang tour guide na si Masa Tse Ting-Chun ay nakapagtago ng kanyang cellphone at palihim na nagbigay ng mensahe sa travel agency sa Hong Kong.
Napansin ito ng hostage taker at kinuha ang telepono.
Sa salaysay ng mga nakaligtas na bihag sa pahayagang "The Standard", kalmado naman daw ang hostage taker noong una.
Makalipas ang 4 na oras ay umabot sa 9 ang kanyang pinalaya.
Pero bandang alas-2 ng hapon,tila nauubusan na ng pasensya si Mendoza at nagpaskil na ito ng mga sulat sa harap ng bus.
Dakong alas-6 ng gabi, dumating ang sulat mula sa Office of the Ombudsman. Hindi natuwa si Mendoza at tumanggi nang magpalaya ng bihag.
Pero tumindi raw ang galit ng hostage taker nang mapanood sa telebisyon ang pag-aresto sa kanyang kapatid.
Dinampot niya ang isang tour guide at pinosas sa harap ng bus. Pinaupo niya rin ang mga bihag sa gilid mga ng bintana.
Lalo pang natakot ang mga bihag nang narinig nila ang hostage taker na galit na galit na sumisigaw sa telepono ng "last 15 minutes" na naging "last 5 minutes."
Maya-maya umaalingawngaw ang mga putok ng baril. Binabaril na pala ng mga pulis ang gulong ng bus.
Pinutukan ng hostage taker ang ipinosas na tour guide!
Nagkagulo ang mga hostage, habang lumalakad si Mendoza papuntang likuran ng bus at pinagbabaril ang mga turista.
Limang hostage ang sumubok na disarmahan si Mendoza pero pinagbabaril din sila.
Isang 14-anyos naman na dalagita na si Jessie Leung Song-Yi ang tumalon sa 19-anyos niyang kuya na si Jason para takpan ang kapatid at siyang nabaril ni Mendoza.
Marami sa mga hostage ang nagsisigawan at ang iba nagpanggap na patay.
Biglang kumalat ang tear gas at hindi sila makahinga.
Halos isang oras pa ang dumaan bago may pulis na nakapasok sa bus at kalahating oras pa bago tuluyang nabaril ang hostage taker na si Mendoza.
Marami sa nakaligtas ang nagsabing nanghingi si Mendoza ng P1 milyon na umano'y katumbas ng nawala niyang pensyon matapos matanggal sa serbisyo.
Ang tanong umano ng mga turistang biktima, bakit humantong sa trahedya ang insidente? Lalot na't ang hiling lang ng hostage taker ay maibalik sa serbisyo at pera.
Sa kanilang pananaw, naiwasan pa sana ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay. -- Zen Hernandez, Patrol ng Pilipino.
08/28/2010 12:15 AM




fdsaiofda
Here, there's good news to tell you: The company recently
launched a number of new fashion items! ! Fashionable
and welcome everyone to come buy. If necessary, please
input:
http://www.famalegoods.com
jordan air max oakland raiders $34--39;
Ed Hardy AF JUICY POLO Bikini $25;
Christan Audigier BIKINI JACKET $25;
gstar coogi evisu true jeans $35;
coach chanel gucci LV handbags $36;
coogi DG edhardy gucci t-shirts $18;
CA edhardy vests.paul smith shoes $32;
jordan dunk af1 max gucci shoes $37;
EDhardy gucci ny New Era cap $16;
coach okely Adidas CHANEL DG Sunglass $18;
http://www.famalegoods.com
h6547
Gago yong pulis pati na ang
Gago yong pulis pati na ang commander niya ng binaril ang
gulong ng truck. Isip tiki!!
What can you get out of firing at the tires. The last thing a desperate man like the hostage taker is to hear a gun fired other than his. Again Gagooo kayo.
Hindi niya alam noon na golong lang pala kaya nangyari ang nangyari.
Sayang!
Nakakalungkot na mas maganda pa ang pananaw ng mga inosenteng turistang bihag kaysa ating mga kapulisan at kinauukulan.