'Pabagsak na ang popularidad ng Pangulong Aquino'


Naluklok siya sa kapangyarihan dala ang tiwala at pag-asa ng maraming Pilipinong uhaw sa pagbabago. Pero sa sinasabing unang malaking pagsubok sa bagitong administrasyon ni Benigno Aquino III, bagsak ang grado ng ilan sa kanya.

Inuulan din siya ng batikos sa mga social networking sites.  May video game pa sa internet na literal na tinitira siya sa kalye.

Hati ang opinyon kay PNoy.

Ayon kay Dr. Prospero De Vera ng University of the Philippines, dapat paghandaan ang maagang pagbagsak ng popularidad ng Pangulo. Malaking pagkakamali raw ang hindi personal na pagtugon ng Pangulo sa krisis.

"They want a president who responds in times of crisis. This recent incident has shown that people were dissatisfied with the response. I expect the approval rating to go down between 10 to 15 percent," ani De Vera.

Pero para sa political analyst na si Ramon Casiple, normal ang pagbagsak ng popularidad ng sinumang pinuno na nagsimulang may mataas na trust rating.

"Kahit wala 'tong krisis mangyayari talaga iyon. Ang babantayan mo diyan, gaano kabilis, hanggang saan bumagsak," ani Casiple.
 
Pero naniniwala ang dalawang eksperto, hindi tuluyang ikasisira ng administrasyong Aquino ang hostage taking.

'Yon nga lang, ayon kay De Vera baka mas mahirapan ang Pangulo na suyuin ang kanyang mga "boss."

Nang manumpa siya rito sa Quirino Grandstand, pambihira ang laki ng tiwala ng tao kay Pangulong Aquino-- tiwalang puwedeng manatili o mawala, depende sa magiging takbo ng imbestigasyon sa krisis na dito rin sa Quirino Grandstand madugong nagwakas. – Ryan Chua, Patrol ng Pilipino

08/31/2010 2:14 AMBookmark and Share

4 comments

Popularidad?

Hindi popularity contest ang trabaho ng mga Pulitiko na naging ganito nga dahil karamihan mga artistang umaasang sa konting arte lamang ay may pork barrel na 200 million a year na binubulsa kasabay ng mga under the table na mga transaksyon. Ang kelangan natin ay mga Pulitikong kikilos para sa ikauunlad ng buhay PINOY. Trabaho para sa lahat, marangal na pagkakakitaan, Basic necessities tulad ng Housing, food, clothing at edukasyon. Health for all! Eto ang dapat maging pangunahing hangarin ng nasa puwesto. Bantayan ang mga PULITIKONG mga magnanakaw at gusto ng EASY MONEY. Kakahiyang maging Pinoy at puro atsay at pokpok ang dating. Dahil sa mga pulitikong garapal at swapang. Ano ba alam ng mga artista kundi umarte?

UNITED WE STAND, DIVIDED WE FALL........ SAMA SAMA NATING ITINDIG ANG MAHAL NA BAYANG PILIPINAS, IANGAT NATIN ANG BUHAY NG ATING MGA KAPATID NA NAGHIHIRAP. LAHAT TAYO AY ANAK NG DIYOS AT MAY KARAPATAN MABUHAY NG MAY DIGNIDAD AT SAPAT NA PANGKABUHAYAN.

down rating

di natin dapat hatulan o pulaan ng malaki si p noy sa isang hostage crisis lang.hindi ito lang ang pangunahing problema ng bansa na hinaharap- nya at ng buong bansa.,Ang mga problemaang naiwan ng mga nakaraang administrasyon ay tila nanganak na,dumami at lumala na.di kayang lutasin ng pangulo kung walang suporta ng bawat isa sa atin..go go go P noy!!be brave,nasa likod mo pa rin ang nakararami.god bless philipines..

frank

TULOY ANG LABAN

PNOY IKAW PA RIN ANG TUNAY NA PAGBABAGO SA ATING BAYAN MABUHAY PO KAYO...

laban ako

kayo ang boss ko

don't forget the promise "kung walang corrupt walang mahirap"