Aresto sa kapatid ni Mendoza nagpalala sa hostage crisis


Sa kanyang interview sa RMN-dzXL, makikita kung paano humantong sa pagdududa, pagkadismaya at sa huli'y galit at pamamaril ang hostage-taker na si dating senior inspector Rolando Mendoza.

Ayon sa psychologist na si Dr. Yanie Santos, naiwasan sana ang madugong katapusan. 

Tama aniya ang pakikipag-negosasyon ng mga awtoridad sa umpisa ng hostage-taking habang kalmado pa si Mendoza.

Pero nang bumagsak na ang negosasyon sa pagitan nina Mendoza at Superintendent Orlando Yebra dapat daw ay nag-iba na ng taktika ang mga awtoridad.

“They should have gotten another person to do the negotiating. Kasi wala na siyang credibility. Nawala na iyon eh. So how would you get that trust ng hostage-taker sa kanya?” ani Dr. Santos.

Ayos lamang kay Dr. Santos na isinama sa negosasyon si SPO2 Gregorio Mendoza, ang kapatid ng hostage-taker. Pero dapat, aniya, maayos ang pakikitungo sa mga kapamilya.

“Most of the time, I would say ang family. Like the hostage-taker, nakikinig sa family members iyan eh. If you do that you make sure that you take care of the family member,” anang doktor.

Pero kabaliktaran ang nangyari nang arestuhin ng mga pulis si Gregorio dahil umano sa panggagatong sa kapatid.

“That's a big no-no na ginawa. They shouldn’t have done that kasi ang ginawa nila ay in-aggravate nila ang situation lalo eh,” dagdag pa ng doktor.

Sa kanyang radio interview, sinabi ng galit na galit na si Mendoza na ang pag-aresto sa kapatid ang nagbunsod sa kanya para barilin ang dalawa sa mga hostage.

Nagbigay naman ang doktor ng ilang panuntunang dapat sundin sa mga insidente ng hostage-taking.

Una, pag-aralan ang sitwasyon at ang hinihingi ng hostage taker kung may posibilidad na ibigay ito kahit pansamantala.

Iwasan din daw na galitin ang hostage-taker o palalain ang sitwasyon.

Pangatlo, huwag patagalin ang krisis dahil habang napapagod ang hostage-taker at maging mga awtoridad ay mas madaling magkamali sa mga desisyon.

Ang pinakamalaking leksyon sa trahedya sa Luneta, ayon kay Santos, hindi lamang hostage-taker ang dapat pagtuunan ng pansin kundi ang mga hostages din. – Lynda Jumilla, Patrol ng Pilipino.

08/31/2010 11:07 PMBookmark and Share

3 comments

hostage crisis

kung noong maaga pa lang dinis able na nila si mendoza ng tumayo sya sa may pintuan ng bus at pakaway kaway pa sa mga kasamahan nya tapos na sana maaga pa usapan. Feeling artista pa si gago parang proud pa sya sa ginawa nya tapos eto naman mga lokotoy na pulis natin parang bale wala lang, bakit d nila binaril kahit sa paa lang ma disable lang ung kriminal na pulis? dahil ba sa officer nila un? Tapos dyan lumabas ang katotohanan sa kapulisan natin mga pulis talaga d kikilos ng d mo binabayaran magtuturuan pa muna mga hayupak na iyan pero kung alam nila pagkakaperahan mag uunahan pa mga iyan kita mo nung kainan o di ba nagkakagulo na pasarap pa nasa utak ng mga iyan dapat nga nyan tubig lang o kape at sandwich pwede na kung gutom na sila wag lang sila aalis sa critical zone nila mga ungas kasi.Dapat lahat iyan alisin, puro sila buwisetttt!!!


Heads must roll

Somebody must answer for this major, major blunder.
If not the HK people and the Pilipino people will never be satisfied, and there will be more of this kind of incident.
Our economy will suffer as a result.

The driver of the tourist bus must be interrogated and make sure that he is not coerced nor bribed, by people who wants to hide the truth.


LIM - Lier In Manila Mayhem

This is all Aflredo Lim's Fault!.

My God who is the head incharge that time? Vice Mayor? Police? of course not!

Lim insisted that he was just suggesting and that was his only job.

And look what he suggested. Handcuffing the hostage taker's brother. Oh man! what kind of suggestion is that. Isip Palaka. Kokak ng Kokak!

Kawawang Juan

Kawawa naman si Juan, Hindi niya mahagilap ang Pag-asa. Umiiyak Nalang.