20 bala ipinutok mula sa labas ng tourist bus


Bago pa hilahin ang Hong Thai Bus sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, nauna nang ineksamin ng Crime Laboratory ng Philippine National Police (PNP) ang mga tama ng bala sa bus bilang bahagi ng crime scene investigation. Dito sinuyod ng scene of the crime operatives ang mga butas na dinaanan ng mga balang naiputok mula sa loob at labas ng bus.

Ilang imahe ang eksklusibong nakuha ng ABS-CBN sa isinagawang eksaminasyon.

Sa harap ng bus, kita ang basag na signal at head lights. Sa itaas na bahagi ng windshield ng bus, makikita ang isang butas na palatandaan na papasok ang bala.

Sa kanang bumper ng bus, makikita na 3 bala ang pumasok dito. Sa kanang bahagi naman ng windshield, minarkahan ang 6 na butas ng bala palabas ng bus.

Sa bintana ng drayber, 2 bala ang pumasok. Dalawang bala rin ang pumasok sa isang bintana ng mga pasahero. Pito naman ang tama ng bala ng gulong ng bus.

Sa gawing estribo naman, isang bala ang pumasok sa isang bintana malapit dito. Anim ang balang tumama sa gilid ng estribo sa loob ng bus.

Sa pinto ng estribo, isang bala ang ipinutok mula sa loob. Dalawa naman ang pumasok na bala sa bintana ng isa pang pasahero. 

Sa loob ng bus, makikita naman ang mga tama ng balang tumalbog sa kisame at malapit sa upuan ng isang pasahero. Sa isang upuan, kita ang 4 na balang ipinutok dito. Sa dulong upuan na katabi ng comfort room, isang bala rin ang tumama sa headrest nito. Dalawang bala naman ang pumasok sa pinto ng CR.

Una nang kinumpirma ng PNP na 58 basyo ng bala ang narekober sa loob ng bus, Lahat galing umano sa M16 assault rifle ni dating Senior Superintendent Rolando Mendoza.

"Limampu't walo na mga empty shells na galing po sa M16, iyon po lahat ay gailng sa M16 na armalite rifle na gamit-gamit ni Rolando Mendoza. Lahat po iyon ay pinaputok papunta sa mga biktima at papunta doon sa assault team," ani Senior Superintendent Agrimero Cruz, tagapagsalita ng PNP.

Pero hanggang ngayon, wala pang binabanggit ang mga awtoridad hinggil sa kung ilan ang sinasabing "friendly fire" mula sa mga miyembro ng Special Weapons and Tactics ng Manila Police District.

Kung pagbabasehan ang bilang ng mga bullet holes na namarkahan ng mga awtoridad, humigit kumulang sa 20 ang naiputok ng mga pulis mula sa labas ng bus.

Patuloy pa ang bullet trajectory examination para malaman kung kanino galing ang mga putok na ikinasawi ng 8 hostages. – Maan Macapagal, Patrol ng Pilipino.

09/02/2010 12:30 AMBookmark and Share

6 comments

HOSTAGE TAKING IN MARYLAND

Sa mga media, seguro nakita nyo kung papaano ang ginawa ng mga media ang pagkoko-cover sa hostage taking sa Maryland, Hinde ko na kailangan sabihin pa dahil alam kong kayo'y mga edukadong tao. Tama na ang pagsasabi nyong KAPALPAKAN NG PULIS na kayo sa buong kaganapan ang
may kasalanan ng lahat kung bakit humantong ito sa mabogong pangyayari.

TANOD BAYAN

He was going to tell who are the dirty cops in Manila

16 blocks bruce willis 2006 http://www.imdb.com/title/tt0450232/ I believe Mendoza tried to correct his wrongdoing by telling who are the dirty cops and cohorts in his department. "Big Mistake/Wrong decisions". Please watch the movie 16 blocks by bruse willis to understand his motive.

The plot on the movie is very close to what Mendoza was planning. The only thing that went very wrong is he snapped when some (probably by orders or some dirty cops) arrrested his brother.

All puzzles fall into place after watching this show today.


reposess:

So what are you saying then? In the "16-Blocks", Bruce was assigned to a right job at a wrong time to bring witness before the DA's office! So if Bruce was to be killed then, he'd be the fall guy! The witness himself was already decided to be wiped out by those policemen!
Now in Mendoza's: Was he supposed to be a whistle-blower that he has to be killed to protect the names of those who are behind his cases? Was he the fall guy then? If that was so, were those Chinese the collateral damages?


Agrimero Cruz was jumping into an erroneous conclusion?

why did he say na lahat ng basyong bala na nakita sa loob ng bus ay galing sa rifle ni Mendoza?

this is already something... he is misleading the people. buti na lang may analysis of the trajectory or bullets, otherwise, malinis na ang pangalan ng mga pulis.

There is indeed a big possibility na some of those dead were hit by the bullets from the assault team.

Good luck sa inyong lahat.


HOLY SMOKE!!

NEWS UPDATE SAYING TAH HOSTAGES TAKER IS SHOT DEAD!! BUT NEWS MEDIA IS NOT PAYING ATTENTION TO THIS NEWS LIKE WHAT THE PHILIPPINE MEDIA DOES..

LIFE MOVES ON OVER HERE...THERE ARE LOTS OF BETTER THINGS TO DO..IT'S JUST AN INCIDENT OF SOME DESPERATE AND OUT OF MIND PEOPLE TRYING TO END THEIR LIFE.

MORE SO..PRESIDENT OBAMA IS IN THE MIDDLE EAST DOING HIS JOB...OH WAIT..DOES HE NEED TO HANDLE THIS HOSTAGE CRISIS??? NOHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!! THIS IS POLICE MATTER !!

SO FILIPINOS..GROW UP..MOVE ON !! THIS AIN'T HELPING YOUR JOB, YOUR IDENTITY, YOUR FUTURE..

AND THE NEGOTIATIONS TOOK ONLY 2 HRS WHILE THE WELL EQUIPPED SPECIAL FORCES MOVING ON , PLANNIG WHAT TO DO AND WELL COORDINATED...IN SHORT ..HINDI NA CORRUPT ANG PONDO NILA TO BUY RIGHT EQUIPMENT AND PROPER TRAINING FOR THIS CRISIS!!


20 bullets being fired from outside the bus itself!

Nitong mga nakaraang araw, ibinabalita na ang umanoy bala na nakapatay kay Mendoza ay nanggaling mismo sa baril ng isang police-sniper!
Iisang tanong lamang po, sino ba ang binaril ng mga pulis ng mga oras na 'yoon? Sino ba ang mga tinamaan ng mga bala na 'yoon? Ay siya! Alangan rin naman po na "warning shots" laang ang mga 'yon eh?
Ako'y nagtatanong lamang dahil ako'y naguguluhan na masyado eh! Sino ga?