Pahayag ng mga pulis, 'di tugma sa autopsy report kay Mendoza


Bandang alas-8 ng gabi noong August 23, kasagsagan ng assault operation ng Manila Police District Special Weapons and Tactics (MPD-SWAT) sa Quirino Grandstand.

Matapos hagisan ng teargas, pinaputukan na ng SWAT ang loob ng bus.

Maya-maya, lumaylay na sa estribo ang katawan ni dating Senior Inspector Rolando Mendoza.

Batay sa kopya ng autopsy report na eksklusibong nakuha ng ABS-CBN, 8 tama ng baril ang tinamo ni Mendoza -- isa sa ulo sa ibabaw ng kanang kilay, 2 sa leeg, 2 sa kaliwang balikat, 2 sa braso at isa sa kaliwang hita.

Ayon sa aming source, nakapuwesto ang dalawang sniper at spotter sa bleacher ng Quirino Grandstand.

May mga tumarget din sa gilid ng bus sa driver side at sa estribo.

Nang kapusin nang hininga dahil sa teargas, nagpunta sa harapan ng bus si Mendoza kaya natarget siya ng mga sniper.

Ayon pa sa source, sa mga ibinigay na pahayag ng mga taga-SWAT ay umamin ang ilan na nakapag-cover fire sila.

Ibig sabihin, nag-warning shot lamang sa ere at hindi pumasok sa bus.

Dalawang sniper lamang din ang umaaming pumasok sa bus ang kanilang ipinutok. Tig-dalawa sila ng ipinutok kay Mendoza.

Kaya ang tanong, kung 4 na bala lamang ang nagmula sa sniper: Saan galing ang 4 pang iba na tumama sa katawan ni Mendoza?

Kung cover fire lamang, saan galing ang halos 20 balang tumama mula sa labas ng bus?

Ayon kay Judge Jaime Santiago, dating hepe ng MPD-SWAT, sa 8 tama ng baril ni Mendoza ay hindi masasabing overkill ang ginawa sa kanya.

“Maraming designated na sniper, so baka maaaring nangyari na nagkaroon ng open line of fire, nagkataon pumutok sila nang sabay-sabay. Sighted nila pare-pareho,” ani Santiago.

Hangga't maaari kukuning buhay ang hostage-taker, pero ayon kay Santiago, kung nanganganib na ang buhay ng mga bihag kailangan nang i-neutralize ang hostage-taker.

“Nagwawala na. pumuputok na siyana kumbaga to whom it may concern na.. he should be neutralized totally,” dagdag ni Santiago.

May tinatawag ding T-factor sa pag-target ng sniper sa hostage-taker. Letter T o ang ulo at katawan.

Kung nais ma-neutralize, sa ulo and puntirya ng mga sniper na posibleng ginamit nga kay Mendoza. – Maan Macapagal, Patrol ng Pilipino

09/03/2010 2:18 AMBookmark and Share

1 comment

pls feature

can u feature the joint SAF,SWAT,RMG,Mritime police demo on camp bagong diwa this friday? it will be witnessed by the pres himself. i noticed absnews is the only one not featuring this. lets uplift the morale of our cops again, further demoralizing them wont really help. their achievments barely make it to tv news while media feasts on their faults... lets be fair