Kapatid ng hostage-taker suspindido rin ng Ombudsman
Nang magtungo si SPO2 Gregorio Mendoza sa Quiirino Grandstand noong araw na nagaganap ang pangho-hostage ng kanyang kapatid na si dating Senior Inspector Rolando Mendoza, suspendido na pala siya ng Ombudsman bilang traffic police.
Suspendido siya mula August 15 hanggang September 16 dahil sa isang traffic issue.
Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, huli na nang malaman nila ito kaya naniniwala siya na binalak samahan ni Gregorio na samahan ang kanyang kapatid sa loob ng bus para tumulong sa pang-hohostage.
Wala raw si Gregorio na karapatang magdala ng baril dahil suspendido na siya.
“bakit may dala siyang baril? Ikalawa, meron din pala siyang sama ng loob sa Ombudsman eh. Baka ang dahilan kaya niya gustong pumasok sa bus, para to join his brother, para dalawa na silang nagde-demand,” ani Mayor Lim.
Mariin naman itong itinanggi ni Gregorio.
Nitong Miyerkules, lamang daw niya natanggap ang suspension order ng Ombudsman.
Patunay daw dito ang pirma ng taga-Manila Traffic Police na natanggap lamang nila ang dokumento noong Agosto 28.
Naniniwala si Gregorio na inihabol na lamang ang order dahil nasangkot na siya sa kontrobersya.
“Masyado pong antedated iyong paglalabas nila ng resolution,” ani Gregorio.
Nanawagan din si Gregorio sa mga awtoridad na itigil na ang pag-uugnay sa kanya sa krimen dahil nahihirapan na raw ang kanyang pamilya.
Nilinis din niya ang pangalan ng kaibigan ni Rolando na si alyas Rose na naghatid sa kanyang kapatid sa Maynila bago ang hostage-taking.
Nitong Huwebes, humarap sa sala ni Manila Regional Trial Court Judge J. Ermin Miguel si Mendoza para sa arraignment ng kanyang kasong "disobedience."
Hiniling ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta sa korte na ibasura ang kaso dahil sa aniya'y kawalan ng batayan nito.
Binigyan ng huwes ng 10 araw ang PAO para isampa ang kanilang mosyon na ipabasura ang kaso.
Nakatakdang pagtaluhan sa Setyembre 28 kung may batayan ang mosyon ng kampo ni Mendoza para ibasura ang kanyang kaso. – Julius Babao, Patrol ng Pilipino




Isa pang dapat imbestigahan
Isa pang dapat imbestigahan ay yung hindi pag aksyon ng PNP sa reklamo ng biktima ng extortion ni mendoza na yan. Bakit kailangan pang idulog nila sa ombudsman, di ba madisiplina ng PNP ang kabaro nila? o prinoprotektahan nila kasi lahat sila pareparehong mga hulidap?
ok lang
its just right for the ombudsman to suspend this man youre family is ashamed to the Filipino people you make our Country down to the rest of the world
Tama Lang
Tama lang talaga na alisin na yang mga Mendoza sa PNP, pati sana ung anak ng kriminal na mendoza na di Bismark na na-assign sa Bangued, Abra. Mga salot na pamilya ito, gumawa ng kasalanan ayaw tumanggap ng kaparusahan. Napahiya ang Pilipinas sa buong mundo dahil sa kriminalidad na ginawa ng kaanak nila. Pati ung babae na naghatid sila, kasuhan ng extreme accessory kasi alam niya na di pwede bumiyahe sasakyan na nakiayon pa rin siya kay mendoza, kung wala siyang alam, bakit di man lang siya nag-verify sa MPD kung bakit ganon actuations ni Mendoza. Dapat mailibing sila yan ng buhay.
Gregorio Mendoza's badge is made out of the rails of a jail
Gregorio Mendoza really needs to be punished because his irresponsible actions during the negotiations has contributed to the failure of the law enforcement’s attempt to save the hostages.
Gregorio should never have been given a badge because a law enforcement badge represents honor, duty, service and integrity. Gregorio’s actions does not even have a hint that he possesses these law enforcement qualities.
If Gregorio goes unpunished for his careless and unlawful actions, this will reflect the quality of justice that exists in the Philippines. We have to show to the world that people who had done wrong has to be held accountable especially when human lives were lost due to their actions.
Si Gregorio ngayon ay nakikiusap ngayon na tigilan na raw ang pag ugnay sa kanya sa krimen dahil nahihirapan na raw yong pamilya niya. Hindi ba niya naiisip na yong mga pamilya nang namatayan ay lubos na naghihirap ngayon dahil sa lungkot?! Milyong-milyon na pamilya sa Pilipinas ay nahihirapan dahil sa ginawa niya?!