Bakit si Puno at hindi si Robredo ang may hawak sa pulis?


Sa isang video na in-uploaded ng isang “Adora” sa YouTube, makikitang kapwa mahilig sa baril sina Pangulong Aquino at Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno.

Matagal na silang magkakilala, pero sabi ni Puno, malalim ang kanilang pinagsamahan at ang kanilang pagkakaibigan ay nagsimula noon pang panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.

Malaki raw ang tiwala ni PNoy sa kanya, dahilan kung bakit siya ang itinalaga na tagapangasiwa ng police operations sa halip na si DILG Secretary Jesse Robredo.

“Actually ngayon, it’s the president that’s running the PNP (Philippine National Police) and the interior side. I have just been designated there to be his eyes and ears there. Mayroon ding security considerations eh. Siyempre the first year of the presidency is siyempre the objective is to secure the office,” ani Puno.

Dating negosyante si Puno. May kinalaman ang negosyo niya sa paggawa ng mga bala at mga baril.

Inamin din ni Puno na minsan siyang nag-supply ng mga baril sa PNP.

Matagal na umano niyang inihinto ang negosyo, pero ang hilig sa baril ang dahilan kung bakit kilala niya ang mga pulis at ang kanilang mga ugali.

Nitong Biyernes, matapos aminin ni Puno na kulang ang kanyang kasanayan para mangasiwa ng hostage crisis lumutang ang mga duda sa kanyang kakayahan na patakbuhin ang PNP.

Nagtataka naman si University of the Philippines Professor Clarita Carlos kung bakit pumayag si DILG Secretary Robredo sa ganitong set-up.

Dapat daw ay tinanggihan ito ni Robredo.

Nauna nang sumulat si Carlos ng libro tungkol sa local governments. Panukala niya, buwagin ang DILG. – Henry Omaga Diaz, Patrol ng Pilipino

09/03/2010 11:46 PMBookmark and Share

3 comments

Babalu Robredo galing mong mag hugas

Hetong si Babalu Robredo puro hugas kamay lang. Dahil sa kapalpakan lakas ng loob na magsabing mas may tiwala si Penoy kay Puno, sino ba boss ni Puno? di ba si Babalu Robredo? Kung palpak si Puno dawit din si Babalu Robredo.

Galing pla sa baril ni Penoy(Bugok ng Balut) at Puno. Dapat sila ang nakipag barilan kay Mendoza, pero dapat nakatali lang si Mendoza para tumama sila.hahahaha


Hand Gun Experts

You should have not discouraged the President to talk with Mendoza. The video shooting practice showed both of you are excellent shooters. You should have tag along with the President us back up in case he miss. Draw and double tap, pak! pak! Mission accomplished.


ddddddd

so ginawa ka palang TUTA sa lagay na yun,bata pa eh di pa malaki...sabi mo ? tagamasid,tagaamoy at tagareport.. ibig sabihin TIKTIK hehe..swerte naman at ikaw pang napili,dahil pala marunong kang bumaril, dapat ikaw nang nakipagbarilan pala kay mendoza..bababaw ng mga sinasabi nyo ...tuta ka pa nga...