Manila mayor, vice-mayor umalis sa kritikal na sandali ng hostage
Sa ikalawang araw ng pagdinig ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) kaugnay sa August 23 hostage-taking, isinalang si Manila Vice-Mayor Isko Moreno.
Isinalaysay niya ang mga nangyari mula noong malaman niya at ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pangho-hostage ni dating senior inspector Rolando Mendoza sa tourist bus.
Lumalabas na bago ang pagwawala ni Senior Police Officer 2 Gregorio Mendoza at isagawa ang assault operation sa bus, wala kahit isang mataas opisyal sa Quirino Grandstand kabilang sina Mayor Lim at ang ground commander na si Chief Superintendent Rodolfo Magtibay.
Lumipat daw ang dalawa sa Emerald Restaurant habang siya naman ay nagpunta sa Manila Pavillion.
“Both the chairman and the vice-chairman of the CMC (crisis management committee) were not there,” ani Teresita Ang-See, miyembro ng komite.
Sagot naman ni Moreno, “When we left there is already a troop movement. After the first shot, nagmi-meeting na sila, umalis na ang alkalde.”
Obserbasyon tuloy nina Justice Secretary Leila de Lima at DILG Secretary Jesse Robredo naiwan sa mga pulis ang pagdedesisyon sa mga kritikal na sandali.
Ikinuwento rin ni Moreno ang kanyang ginawang pag-follow up sa Ombudsman kaugnay sa hiling ng hostage-taker na i-review ang kanyang kaso.
Para kay Moreno, dalawa ang posibleng dahilan ng pag-aamok ni Mendoza: ang sulat sa Ombudsman at paggawa ng eksena ng kapatid.
Sa pananaw ni Moreno, umpisa pa lamang ay hindi na raw dapat itinuring na isang local crisis ang insidente, taliwas sa posisyon ni DILG Undersecretary Rico Puno.
“Foreigners are involved, people, persons, individuals who are concerned should be here,” ani Moreno.
Naging mainit naman ang paggisa kay Moreno nang tanungin siya kung nasaan ang binuong crisis management committee ng lungsod.
“’Di ko alam ang composition, that is one thing. Now ang function through the order of the mayor stating na tingnan ninyo kung ano ang maitutulong natin doon. Iyon ang naging function,” paliwanag ni Moreno.
Sa huli wala raw pagsisisi si Moreno sa kanyang mga ginawa. Sana lamang daw ay nakialam ng mas maaga ang national government bago pa lumala ang sitwasyon. – Jay Ruiz, Patrol ng Pilipino
09/04/2010 11:50 PM




Vice-Mayor talaga
Isko Moreno has added insult to injury already experienced by everybody from the hostage crisis. He is a very classic local politician who doesn't know and doesn't understand what he is supposed to do as a local executive.
Palabas lang ni Isko Moreno!
Kung sa pananaw nitong si Isko Moreno ay ang sulat mula sa Ombudsman at paggawa ng eksena ng kapatid nitong si Mendoza ang naging dahilan ng kanyang pag-amok, bakit ayaw din n’yang isama ang pagmumura’t galit ni Mendoza pagkatapos mabanggit ang tungkol sa Php150,000.00 habang magkausap si Mendoza at ang isang tauhan ng DOJ na si Gonzales? Puro lang naman sapantaha ang mga sinasabing dahilan nitong si Isko Moreno eh dapat isama na din ang issue ng pera na ‘yon dahil doon naman daw nagmura at mas lalong nagalit si Mendoza!
At n’ong tanongin naman etong si Isko Moreno tungkol sa Crisis Management Committee, wala pala etong alam at puro lang din sapantaha ang mga sinasabi hanggang sa idviert n’ya ang issue from local responsibilities to the higher level sa kadahilanang involved ikanga ang mga turista!
Parang may pinagtatakpan si Isko Moreno na eto! Ni wala na nga s’yang alam sa dapat n’yang malaman dahil siya naman ay pinapasahod ng gobyerno para gawin ang kanyang trabaho isa na doon ang issue ng Crisis Management Committee, eh wala pala etong alam at “para” din namang may pinagtatakpan eto eh!
Isko Moreno, kasama ka ba ika sa mga taong humuhingi ng Php150,000.00 kay Mendoza? O kung hindi ka man kasama, may pinagtatakpan ka ba?
Nong nag-usap sina Mendoza at Gonzales, andon din naman pala si Isko Moreno at ang sabi di naman raw nya narining ang mga pinag-uusapan! Andon si Isko Moreno dahil gusto nya mapag-usapan ang tungkol ke Mendoza kaya hindi malayo na pagkatapos na mag-usap si Mendoza at Gonzales na magtatanong si Isko Moreno or mapag-usapan ng dalawa ang tungkol sa tawag na ‘yon! Ngayon, kung hindi man nila napag-usapan at hindi rin natanong ni Isko Moreno si Gonzales, ano kaya ang pinag-uusapan nila? Ano kaya, nagja-jack-&-poy sila dalawa sa opisina ni Gonzales? O di kaya’y nagto-tong-it?
Mamang Tsuper
Bakit hangga ngayon hindi pa na iinbestigahan yung driver ng tourist Bus. His testimony is the most important thing here. He knows when it started and how it ended.
I believed that the reason why the police stormed the bus is because , the driver told everybody that all of the hostages have been killed.
Is the driver being briefed on what to say and not say?
Is he being threatened, coerced, bullied and bribed so as not to testify?
Walang Makakapigil Sa Tao Na Kumain Kung Nagugutom.
Emerald Resto ba naman e paborito talaga ng mga matatakaw sa pansit ang lugar na iyan. Siguro nag-init ang mga ulo nung naiwan sa Quirino Grandstand, gutom na gutom na sila e hindi pa bumabalik yung mga masisibang politiko.
SIGE, LUSUBIN NA NATIN AT NANG MATAPOS NA ANG LABAN! SILA LAMANG BA ANG MARUNONG MAGUTOM?
Tama ka igan
Tama ka igan nagutom kaya umalis sa pwesto siya boss di ba pero kung Dirty Harry sya dapat nagpabili na lang ng burger sa tabi tabi kc si eastwood hindi nya ginawa yon bagkus sya pa volunteer na i-hostage kapalit ng mga bihag :)
MANILA MAYOR LIM and VICE-MAYOR MORENO
Upon hearing it from the horse's mouth, Mayor Lim and the vice-mayor played the biggest part why the rescue failed because both of them were not at the scene during the critical minutes of the hostages' taking.
Mayor Lim as the man in-charge failed to act decisively and failed to provide the necessary leadership to save the hostages.
It was ok to promise Mendoza everything, but give him nothing in the end because of his numerous criminal records plus his irrational behavior.
isko has to know, not to follow
Lim is so proud to relinquish the command of responsibilties to anyone even if he bungle it. as the original dirty harry said man's got to know his limitations. this guy has a super ego, which is typical to most people.