850,000 seniors 'di puwede sa P500 pension program


Pagtatahi ng basahan ang hanapbuhay ng 65-anyos na si Clarita Ramos. Bawat kilo, P17 lamang ang kita niya, kulang na kulang sa pagkain at gamot niya at para sa anak.

“Hindi ho araw-araw ang kita diyan eh. Kung kailan lang may matapos, tapos may kukuha,” ani Aleng Clarita.

Kaya naman malaking tulong daw sana kung matutuloy ang pensyon na P500 kada buwan para sa mahihirap na senior citizens sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Ayon naman sa chairman ng Senate ways and means committee na si Senador Ralph Recto, hindi pasok si Lola Clarita sa programa dahil ayon sa panukalang 2011 budget, para lamang sa mga edad 80 pataas ang pensyon.

“Ay naku hindi ko na siguro maaabutan ang 80. Kung aabutin ko eh ‘di swerte naman,” ani Aleng Clarita.

Maging si Manuel Medici na nabibilang din sa pinakamahihirap na pamilya hindi kasali.

“Sa mga 60 lang puro na lahat mahihina na eh. Kailangan lang may isang nagsusuporta sa kanila,’ ani Lolo Manuel.

Sa tantya ni Senador Recto, nasa 850,000 na senior citizens ang mababalewala sa social pension dahil hindi pa sila umaabot ng 80. – Pia Gutierrez, Patrol ng Pilipino

09/05/2010 11:18 PMBookmark and Share

5 comments

Anak ng Tokwa naman..

Anak ng tokwa naman recto.... 500 daan na piso na ngalang ipinagkakait mo pa sa matatanda.. Isipin mo 80 years old para lang makakuha ng Pensyon na 500 pesos, Mga buwakaw kayong mga politiko kayo, eh dapat kayo na mga hinohostage eh...

Eh kahit umpisahan ni Aling Clarita na mag ipon ng Piso kada araw eh hihigitan pa nya ang Pension mo na 500... Walang kwenta talaga ang sistema ng Pilipinas.. kaya dumadami ang mahihirap...

Mga pulitiko lang ang mga yumayaman sa katas ng mahihirap..

RECTO... tado ka.. tatanda ka din.. baka dun mo ipasa ang 50,000.00 Pesos per month kapag senior citizen kana...

Long Live PINOY

Anak ng Tokwa OO

ANo ba yan proud_pinoy mukhang di ka nanood o nag basa ng article bago ka nag comments. Its not Recto that sets policy kung sino lang dapat bigyan sa financial aid ng government sa mga elderly..... kaya dapat di mo ipukol and sisi sa kanya. PEACE TO THE WHOLE WORLD


PENSION

AMIGOS...KAWAWA NAMAN YUNG MGA SENIORS NATIN ...BIRO MO A MERE 500PESOS LANG ? FOR OLD AGE PENSION ( AT PARA SA 80 YRS OLD ) LAMANG...ETONG MGA LAW MAKERS NATIN....ANG YAYAMAN, MGA ANAK NAGAARAL SA ABROAD, MALALAKI MGA BAHAY, MAGAGARA MGA KOTSE, MAGAGARA MGA DAMIT, MASASARAP ANG KINAKAIN..ETC... PERO ANG MGA MATATANDA SA ATIN PINAPABAYAAN NA NILA...PALIBHASA PAG TANDA NILA..E.. "GOOD" NA SILA AT THEY DONT NEED OLD AGE PENSIONS..DAMI NA NLANG PERA...

AMIGO

Lowering tax = more money in their pocket

Imbes na mamudpod sila ng 500 piso eh bakit
di na lang nila pababain ang tax para naman
bumaba mga bilihin at mas makakatipid ang mga
tao.

Bakit pa ba kailangang dumaan sa gobyern" ang
pera kung ibabalik din nila sa mga tao? Pwede
naman na baban nila ang tax a sigurado na yung
pera ay di makukurakot kasi di n sya dadaan sa
gobyerno.

Ang hirap hirap na nga ng bansa ang laki pa nila
mag tax, lalo na lang naghirap mga tao. Sobra na 'to!


kaawa awa

500 pesos a month para sa 80 pataas? ang lupeeeettt ng mga pulitiko natin. Isang kainan lang nga mga butchog na Senadores natin yan kababayan! ipagkakait pa at dapat 65 and above ang pensyon. That is why Impoverished Philippine women often use matchmaking websites to find foreign husbands in the hope of escaping the country for a better life. Kawawa.

UNITED WE STAND, DIVIDED WE FALL........ SAMA SAMA NATING ITINDIG ANG MAHAL NA BAYANG PILIPINAS, IANGAT NATIN ANG BUHAY NG ATING MGA KAPATID NA NAGHIHIRAP. LAHAT TAYO AY ANAK NG DIYOS AT MAY KARAPATAN MABUHAY NG MAY DIGNIDAD AT SAPAT NA PANGKABUHAYAN.