MPD-SWAT kulang na sa gamit, kulang pa sa training


Sa pagsalang pa lamang ni Chief Inspector Romeo Salvador sa hearing ng Department of Justice (DOJ) nitong Sabado, lumalabas na kulang sa gamit ang pulisya, partikular ang Manila police, lalo na sa pagtugon sa hostage-taking.

Bilang assistant negotiator siya ang unang lumapit sa hostage-taker na si dating senior inspector Rolando Mendoza, pero ginawa niya ito na walang suot na bulletproof vest.

“I don’t have a vest, your honor. Only Col. Yebra has bulletproof vest, your honor,” sagot ni Salvador kay DOJ Secretary Leila de Lima.

Kakulangan din sa equipment ang idinahilan ng mga miyembro ng Manila Police District-Special Weapons and Tactics (MPD-SWAT), kung bakit tumagal ang rescue operation para sa mga bihag.

Wala raw silang mga pampasabog para mabasag ang salamin ng bus, kaya gumamit ng maso.

Wala rin silang night vision goggles, walang armored personel carrier at at kulang din sa akmang armas para sa assault operation.

“Siguro po maganda ang assault rifle po, sir. Kasi po maliit lang po siya eh, hindi po kagaya ng mga A1 na mga baril na ginagamit namin. Panahon pa ho kasi ng Vietnam war iyon eh,” ani Police Officer 3 Edwin Simacon ng MPD-SWAT.

Alanganin din daw ang kanilang bulletproof vest na bukod sa expired na ay hindi akma para sa M16 na ginamit ng hostage-taker.

“Iyong mga isinusuot naming vest, hindi na kami ganoong ka-sure na bullet-proof pa iyon,” pahayag naman ni Police Officer 2 Francis Ungco, miyembro rin ng MPD-SWAT.

Lumalabas din na kulang sa training ang ilang pulis na nagsasanay lamang gamit ang sariling pera.

Ayon kay Simacon, 2004 pa sila huling nag-training tungkol sa bus assault sa Camg Bagog Diwa sa Bicutan, Taguig.

Si DILG Secretary Jesse Robredo nagsabing maging ang pagsasanay sa pagputok ng baril ay sariling palo na rin lamang ng mga miyembro ng SWAT.

Pagkatapos ng hearing, agad humingi ang DOJ ng imbentaryo ng mga gamit ng MPD-SWAT at listahan ng natanggap nilang training.

Kahit kulang sa gamit, iginiit ng mga taga-MPD-SWAT na hindi sila nagkulang sa tapang at ginawa na lamang ang kanilang makakaya sa gitna ng hostage-taking. – Niko Baua, Patrol ng Pilipino

09/05/2010 11:27 PMBookmark and Share

11 comments

Panahon pa ng Vietnam war daw

Panahon pa ng Vietnam war daw ang mga gamit ng police..
Nasaan na yong 10 billion pesos para sa modernization para sa equipment ng police na ipinangalandakan ni Lagman?

Gongong ka! Akala mo mga honghang ang mga tao daldal ka ng daldal para maipagtanggol mo lang si GMA.

Corruptbuster

Hindi sapat ang tapang

Ang pinagyayabang na katapangan ng MPD SWAT Team ay hindi dapat ipagmalaki. Bagkus kabobohan ang pagsagupa nila sa hostage taker na may armas na M16 na alam nilang deadly kahit na naka bullet-proof vest pa sila. Ang tapang ay dapat samahan ng talino, magaling na stratehiya, karapat-dapat na pagsasanay at pinakaimportanteng pananaw na ang buhay ng tao (hostage man o hostage taker) ang dapat proteksiyonan. Hindi bagay st SWAT Team ang mga trigger happy na mga pulis.

Zolar

Sino ang InCharge sa Pondo?

Siguro naman meron tayong listahan ng mga opisyal na in-charge sa pondo? Sana matukoy kung sino at bakit hindi naibibigay sa mga lower ranking policemen ung equipment at training na kailangan nila? Saan napunta ung pondo, sino ang nakinabang? Sana man lang may makita tayong general na gugulong ang ulo sa dulo ng imbestigasyon na ito dahil imposibleng mga mababang rango ng pulis lang ang may kinalaman sa malaking kapalpakan na ito lalo na ung may kinalaman sa pera kung bakit nagmukhang mga tanga ung SWAT ng MPD.

~~~ Had you been given a choice, would you have chosen to be born Filipino?...

Dapat lang talagang pagukulan

Dapat lang talagang pagukulan ng pansin ng COA o ng Panel of Investigators kung paano ginagastos ang pondo ng ating kapulisan at kung sino ang nagaproba ng paggastos. Kung maypagkukulang man ang sino mang nakatataas na opisyal ng kapulisan ay dapat lang sibakin sa puwesto at palitan ng nararapat na opisyal na hindi corrupt.

Zolar

training and equepment

sana matugonan ang pangulo natin ang kakulangan sa pulisya lalo na ang assult rifle at bulletproof vest na ginagamit nila at paigtingin ang training sa lahat na police at hindi lang mga police ang bigyan ng dagdag kagamitan pati na rin ang mga sundalo natin


WALANG COMMON SENSE!!!!

Paano malaman kung umoobra ang bullet proof vest? Testingin...barilin ng ibat ibang kalibreng baril; kung tumagos huwag gamitin. Syanga pala, kung gusto mong isuot ang vest during testing OK lang. Pag tumagos at namatay ang nakasuot ay mas ok kasi nabawasan ang bilang ng mga gung-gong.
Kung kulang sa training bakit isinubo? Kulang lang ba sa training ang isa sa mga problema o kulang-kulang ang mga namamahala.
Naku nakakahiya kayo! Pina-publish pa sa dyaryo ang katangahan ng sa gobyerno. Kurakot at kutong lang yata kayo magaling!


SWAT PALPAK

ANG MASASABI KULANG ANG SWAT MAGAGALING KASO ANG MGA NAKAKATAAS WALANG KWENTA SILA SUMUSUNOD LANG SA MGA SINASABI HALIMBAWA YUNG MGA SECRETARY NG PRESIDENT PALPAK DIN PRESS SEC.KAHIT GALING SA ABS PALPAK DIN MASYADONG MINALIIT YUNG PANGYAYARI YAN LUMAKI TULOY KASI WALA NGA NAMAN MALAKING NAKAKA PWENG DI PA NGA TAPOS 100 DAYS NG PRESIDENT
PALPAK DIN ANU?KAYA MANGYAYRI SA SUNOD PALPAK PARIN WAG NYO IBALING SA NAKARAANG ADMINISTRASYON ANG MGA KAPALPAKAN NYO.SA NAKARAANG ADMINISTRASYONG MASMALAKI MALALA PA NGA DYAN PERO MAY HOSTAGE DIN PERO DI NAGKAGANYAN ANG KINALABASAN NA NAKAKAHIYA ANG TATAMLAY NG SWAT PANU TINIPID SA PAGKAIN ILANG ORAS NA SILA DUN ANU PINAKAIN SA KANILA MAY NAGSABI PA NGA BUTI PA NUN MAY BURGER LUMALABAS GUTOM ANG PULIS KAYA DI NILA MABASAG ANG BINTANA HAHAHAHA TAWA NALANG


swatingoa?

..... and where in the world can you find an elite swat unit in general office attire?


FASTFOOD????

imbes na equipment ng pulis binili ng milyon milyon pagkain para sa pulis para sa mga rally di sana ganyan nangyari sa quirino granstand...kaya malaki tyan ng pulis busog sa manok wala naman bala and baril tsk tsk tsk what a waste!


got that pinoy27?

yong GMA missed the opportunity to verify if MM SWAT(special weapons and tactics) has updated equipment before she left office. hands on ha.
take that horny! panahon pa ng vietnam war! wow!
those are pinoy27 gods.