Negosyador na si Yebra, humarap sa IIRC


Halos apat na oras sumalang sa pagdinig si Superintendent Orlando Yebra Jr.. Kritikal ang tungkulin ni Yebra dahil bilang negosyador, nakasalalay sa kamay niya ang buhay ng mga biktima.

Aminado siya na kahit ilang hostage at crisis management training ang dinaluhan niya, hindi pa rin siya pormal na maituturing na police hostage negotiator dahil wala pang hostage negotiation unit na binubuo ang pulisya!

Nakadagdag pa sa kalituhan ang dalawang modelo ng pagtugon sa hostage-taking.

Ayon kay Yebra, maayos naman ang negosyasyon mula 10 a.m. hanggang 5 p.m., pero wala raw siyang alam sa papel ng ibang tumugon sa hostage-taking.

DOJ Secretary Leila de Lima, chairwoman,  Incident Investigation and Review Committee (IIRC):
Was there an intelligence team, and did that team do their work?

Yebra: Ma'am if there was an intelligence team working within the area, that team was not properly advised to me or introduced to me

De Lima: Did you know whether at that point, the CMC (crisis management committee) of the City of Manila has been activated already?

Yebra: I have no idea about that ma'am.

Atty. Roan Libarios, miyemrbo ng komite:  Who was the assigned officer to manage the media control team?

Yebra: I have no more idea, sir.

Aminado si Yebra na naisip niyang hindi na local crisis ang nagaganap.

"When there were already demands for the participation of the national government agencies like the Office of the Ombudsman, the national [government] was already being invited to take part," ani Yebra.

Kinumpirma ni Yebra na hindi ikinatuwa ni dating senior inspector Rolando Mendoza ang sulat mula sa Ombudsman na nagsasabing rerepasuhin ang kaso niya. Inamin ni Yebra na hindi niya nabasa ang sulat bago iniabot sa hostage-taker.

"Since Vice Mayor Isko Moreno already told me na maganda iyong dala niya," ani Yebra, nang tanungin siya ni Herman Basbano, miyembro ng IIRC, kung bakit hindi niya binasa ang sulat mula sa Ombudsman.

Paniwala ni Yebra, umubra naman sana ang ibinigay niyang opsyon kay Mendoza na sa Philippine National Police na lamang kunin ang reinstatement order, tutal nakaapela pa ang kanyang kaso.

Tila nawalan daw ito ng saysay dahil sinabihan ang hostage-taker ng kapatid nitong si SPO2 Gregorio Mendoza na huwag pumayag hangga't hindi naibabalik ang kanyang baril.

Giit pa ni Yebra, hindi rin daw siya kinonsulta ng crisis management team bago nilusob si Mendoza.

Yebra: Around 7:24 [p.m.], doon sa relo ko, doon ko na nakita 'yong approach ng SWAT malapit sa bus.

Teresita Ang-See, miyembro ng komite: Do you agree to the assault?

Yebra: When the assault order was made, I have no idea, I was not informed. Probably as a negotiator I would tell them, 'no, not yet'.

Kinailangan ding mag-executive session ng komite upang maipaliwanag ni Yebra ang ilang maseselang isyu na hindi na dapat marinig ng publiko - gaya ng kung bakit hindi siya nagdesisyon na sunggaban si Mendoza o nagrekomenda na ipatumba ang hostage-taker sa mga sniper, at kung bakit kinailangan humantong ng higit siyam na oras ang negosasyon.

Kapag naisapubliko daw ang mga diskarteng ito, makokompromiso na rin ang pagtugon ng awtoridad sa mga krisis na gaya nito. -- Ina Reformina Patrol ng Pilipino.

09/06/2010 11:20 PMBookmark and Share

2 comments

Kapabayaan ng PNP Management

Obviously mismanaged ang PNP. Sinu-sino ang mga generals mula sa chief PNP pababa? Si Versoza obviously walang alam at halatang mahina ang utak. Eh yung nasa ilalim nya? Sana hindi lang katapangan at tagal sa serbisyo ang batayan sa pagpili ng mga high ranking officials ng PNP kundi malalim na kaalaman din sa organizational management. Ano ang inatupag ng management ng PNP sa mga nagdaang taon? Dahil ang lumilitaw ngayon habang ang police force sa ibat ibang bansa eh progresibo, ang PNP naman eh paurong. Nasa mga namamahala talaga. Pag tatanga-tanga ang mga manager, eh tungaw nga ang magiging labas ng organisasyon.

~~~ Had you been given a choice, would you have chosen to be born Filipino?...

Out of control

Nakita talaga ng maraming tao na pati yung mga pulis nataranta na rin..nung namaril si Mendoza sa loob dalawa palang ang napatay niya, yung nasa pinto ang una, pero nung nilusob na ng SWAT don niya pinatay ang iba..ang pinagtataka ko lang Sec De lima, bakit si robredo at Puno ay kasama sa panel, dapat sila rin imbistigahan kung nasaan sila nung panahon na yun, kumakain sa restaurant kasama si Pnoy, sarap naman ng buhay ninyo nagbabarilan na parelax relax lang kayo hay naku ilan pa kayang hostage taking incident ang mangyayari, bantayan ninyo yung apat na kasama ni Mendoza nanadismiss din, pag binasura na yung apela nila baka sila naman ang mang hostage, paalala lang......