'Mikey did not declare campaign aid in SALNs'
Sinugod ng mga raliyista ang bahay na binili ni Congressman Mikey Arroyo sa Amerika. Duda sila kung saan nanggaling ang perang ipinambili ni Mikey dito. Sabi nga ni Congressman Mikey, galing sa mga donasyon at campaign contributions ang ipinambili niya rito. Pero ayon sa Vera Files, hindi idineklara ni Mikey ang mga natanggap na kontribusyon sa halalan. Nagpa-Patrol, Willard Cheng. TV Patrol World, Lunes, Setyembre 7, 2009
09/07/2009 10:30 PM







