PNoy umaming di gaanong kasundo si Robredo


Kung dati ay tsismis at bulung-bulungan lamang, ngayon ay kumpirmado na. Hindi boto si Pangulong Aquino na kuhaning Department of Interior and Local Government (DILG) secretary ang kapartido na si Jesse Robredo.

“In the case of Jesse, we had some differences during the campaign as to style. We want to make sure we can really work with each other well,” ani Pangulong Aquino.

Sabi ng Pangulo, ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay acting secretary pa rin si Robredo at hindi ipinasa ang kanyang pangalan sa Commission on Appointments. Bibilang pa ng dalawang buwan bago magkaalaman kung magiging permanenteng kalihim ang dating mayor ng Naga City.

"Dadalawang buwan pa lang kami nagkakasubukan kung talagang kaya naming mag-mesh. May evaluation period, siguro check ang working style, after two months sigurado na tayo, we still have certain things to discuss," ani Pangulong Aquino.

Hindi naman sinabi ng Pangulo kung ibibigay kay Robredo ang kontrol sa pulisya sakaling pumasa siya. Una nang sinabi ng Pangulo na kay Robredo ang local government at ang kontrol naman ng pulisya ay kay Undersecretary Rico Puno.

Nagpahiwatig naman ang Pangulo na posibleng magtuluy-tuloy na si Labor Acting Secretary Rosalinda Baldoz dahil sa magandang performance ng kalihim habang si Department of Environment and Natural Resources (DENR) acting Secretary Ramon Paje, oobserbahan muna ang performance sa loob ng isang taon.

Nilinaw naman ng Malacañang na hindi acting kundi permanenteng mga kalihim sina Sonny Coloma at Ricky Carandang ng Communications Group, pero ayaw pa ring aminin at ipaliwanag ng Malacañang ang hindi pagpasa sa Commission on Appointments ng mga pangalan ng dalawa.

"Siguro po i-verify natin kung ano iyong basis nila sa pagsasabi noon. Kung ang basis nila ay kung ano yung na-isubmit sa Commission on Appointments, siguro po pwede nating matunghayan kung anong petsa iyong submission ng mga pangalan na iyon,” ani Coloma.

Hanggang nitong Lunes ay wala pang natatanggap ang Commission on Appointments secretariat na appointment papers nina Coloma at Carandang. – Lynda Jumilla, Patrol ng Pilipino

09/08/2010 12:07 AMBookmark and Share

4 comments

Working style?

Every person is unique and has he's/her working style, the main goal is cost effective mission accomplishment.


Trial and Error?

Mukhang sintunado ang tono ni PNoy sa case na to ah. Hindi ba dapat na ang nilalagay nyang mga opisyal ng gobyerno eh ung 101% syang sigurado na may kakayahang gampanan ung kanilang katungkulan sa lahat ng aspeto kagaya ng pakikitungo sa style nya bilang presidente, kakayahang manglingkod sa taumbayan, talino sa pagma-manage ng tanggapan etc. Di ba karapatdapat lang na ang ibigay nyang mga tao na maglilingkod sa atin eh ung siguradong siguradong kwalipikado? Bakit eto ngayon ang sinasabi nya eh under observation pa ung nilalagay nya sa DILG? So ibig sabihin ba eh nilalagay nya sa alanganin ang taumbayan sa loob ng 2 buwan dahil alanganin pa sya kay Robredo? Kung hindi sya sigurado, bkt nya inappoint na sa mataas na posisyon? Eh di sana sa mababang posisyon muna kung gusto nyang obserbahan.

~~~ Had you been given a choice, would you have chosen to be born Filipino?...

YUNG tutoo

Our Constitution defined the powers and functions of the Department (DILG) that included statistics, roads and bridges, agriculture, public information and posts, and public order.

Forest conservation, public instructions, control and supervision over the police, counter-insurgency, rehabilitation, community development and cooperatives development programs.
Mabigat ang responsibilidad neto. Di dapat pipitsugin ang hahawak nito.
SI Gordon, BAyani o kung ppwede si CHiz ang mga dapat uupo.

UNITED WE STAND, DIVIDED WE FALL........ SAMA SAMA NATING ITINDIG ANG MAHAL NA BAYANG PILIPINAS, IANGAT NATIN ANG BUHAY NG ATING MGA KAPATID NA NAGHIHIRAP. LAHAT TAYO AY ANAK NG DIYOS AT MAY KARAPATAN MABUHAY NG MAY DIGNIDAD AT SAPAT NA PANGKABUHAYAN.

Please lang

Yung may tutoong pagkatao at titindig sa mga needs ng masa ang kunin dito at yung di pan sariling interes ang mangingibabaw. Naghihirap ang PInas, puro squatters, maids at japayuki. Kelan ka ba babangon Pinas? Sick man of ASIA NO MORE!

UNITED WE STAND, DIVIDED WE FALL........ SAMA SAMA NATING ITINDIG ANG MAHAL NA BAYANG PILIPINAS, IANGAT NATIN ANG BUHAY NG ATING MGA KAPATID NA NAGHIHIRAP. LAHAT TAYO AY ANAK NG DIYOS AT MAY KARAPATAN MABUHAY NG MAY DIGNIDAD AT SAPAT NA PANGKABUHAYAN.