Binayug positibong itinuro ng 3 testigo
Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap sa piskalya ang mga testigong sina Sonny Lim, Renato Peralta at Emmanuel Miranda tungkol sa kontrobersyal na torture video na umano’y kinasasangkutan ni Senior Inspector Joselito Binayug.
Nakakulong ang tatlo sa loob ng presinto nang makita nilang ipinasok sa loob ng isang kuwarto ang biktimang si Darius Evangelista ng grupo ni Binayug bandang tanghali noong March 5.
Madaling araw na raw nang ilabas nina Binayug sa presinto si Evangelista, na naka-packaging tape na ang mukha, naka-posas at may nakataling sinturon sa leeg.
“Noong nahuli po iyon tanghali, bago hindi po nila pina-logbook. Noong tinatanong po namin kung ipapasok sa selda, ang sabi po ng isang pulis, mamasahehin muna raw bago nila ipasok,” anang isang testigo.
Tumanggi si Binayug na mag-komento sa akusasyon.
Nilinaw ng kanyang abogado na hindi pa niya itinatanggi na siya ang nasa torture video tulad ng mga naunang lumabas sa media.
“No confirmation yet from him,” anang abogadong si Orlando Salatandre Jr.
Nanggagalaiti naman ang asawa ng biktima matapos makita ng personal si Binayug.
Sigurado raw siyang si Binayug at ang kanyang mister ang mga taong nasa torture video.
“Gigil na gigil ako sa kanya eh kasi kung pupuwede lang sa gawin ko sa kanya ang ginawa niya sa asawa ko. Napakawalang hiya niya. Tao ba siya? Kasi walang taong nabubuhay na ganyan ang ugali,” ani Ana Evangelista, asawa ng biktima.
Tumanggi naman ang mga abogado ni Binayug na ipalabas ang torture video.Sa huli, nagkasundo ang magkabilang panig na sa susunod na hearing na lamang ito ipalabas.
Hiniling rin ng abogado ng biktima na i-subpoena si ABS-CBN Vice President for News and Current Affairs Maria Ressa at reporter na si Niko Baua para magpaliwanag sa video na unang lumabas sa TV Patrol.
Ang susunod na hearing ng Department of Justice ay itinakda sa Setyembre 16. – Julis Babao, Patrol ng Pilipino
09/08/2010 11:12 PM




Torturer
okey sana ung manghuli ka ng kriminal, pero huwag mo namang tortyurin.respect human lives...
Maria Ressa should make this right
I am hoping that these news representatives of this media organization makes this right - name their source to help the investigation and for the families of the victims to realize that there is such in this country.