Communications Group ni PNoy, hindi nagkakaintindihan?


Ang pahayag ni Secretary Sonny Coloma na may kasunduan na ang media at gobyerno sa mga patakaran tuwing may hostage crisis ang ikinagulat ni Communications Secretary Ricky Carandang.

Ayon kay Carandang, paanong nagkaroon ng kasunduan gayong hindi pa tapos ang konsultasyon sa media.

“That was a premature exclamation on the part of Secretary Coloma. Wala namang guidelines. There are no guidelines as of this moment because we have not spoken to all the networks,” paliwanag ni Carandang.

Maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, Center for Media Freedom and Responsibility at National Press Club, itinangging pormal na silang kinonsulta ng Palasyo tungkol sa issue.

Nitong Miyerkules, biglang kabig si Secretary Coloma at sinabing hindi pa naman daw opisyal ang inilabas nilang guidlines noong Martes.

“Those are just informal inputs. There is no formal agreement with any organization. There is nothing in writing,” paliwanag ni Coloma.

Dahil sa gusot na ito, marami tuloy ang nagtatanong: wala bang komunikasyon ang mga miyembro ng Communications Group ni Pangulong Aquino?

“Nag-coordinate kami doon sa kung sino ang kakausapin, but I was not aware that there was going to be an announcement... There’s a need to tighten some of the statements that are being made by some people in the Communications Group,” pahayag ni Carandang.

Pahayag naman ni Coloma: “We just compare notes just to make sure that we keep each other in the loop.
   
Sabi ng sources ng ABS-CBN, ilang beses nang nangyari ang ganitong gulo dahil sa magkatunggaling paksyon sa loob mismo ng Communications Group.

Kilala si Coloma na mula sa paksiyon ng Samar na malapit sa pamilya Aquino habang si Carandang naman ay mula sa paksyon ng Balay na malapit sa Liberal Party.

“We talk everyday, we coordinate very closely. We are part of one team,” ani Coloma.

Sa tingin naman ni Carandang: “Talaga namang ganoon ang takbo ng kahit anong gobyerno. You have different people with different opinions.”

Nilinaw naman ni Carandang na: “I don’t know if you wouldn’t call it a rift.. I wouldn’t characterize it as anything.”

Kritikal ang papel ng komunikasyon para sa tagumpay ng administrasyong Aquino pero kung hindi nagkakaintindihan ang mismong mga taong nabigyan ng trabahong ito, paano pa nila maipapaliwanag sa publiko ang samu't saring mga isyu at programa ng gobyerno. – Jing Casteñada, Patrol ng Pilipino
 

09/08/2010 11:21 PMBookmark and Share

4 comments

Heads should roll but first cut Coloma's tongue

First, Coloma claimed that he doubted that HK's Donald Tsang even called Malacanang (he did) thus potentially inflaming an already volatile situation. There is no excuse for this blunder since this was so easy to verify. In the first place, why open your big mouth if you were not so sure? You give the guy the benefit of the doubt and he does it again--confusing fact from notion.


It's Because

P-Noy needs alot of communication secretaries. Because hirap sya makipag communicate sa mga tao. Most especially to his Cabinet Secretaries at minsan kay Josh :D


Communication groups

bakit kc tatlo-tatlo pa ang head nyan, dapat isa lang. Sayang pa isusweldo dyan sa dalawa.


What do you expect?

How embarrassing. Dapat hindi na lang silla tawaging Communications Group kung di rin lang sila magkakaintindihan.