Mendoza malamang hindi napatay ng sniper, ani Robredo


Sa unang pagkakataon na bumalik ang driver na si Alberto Lubang sa bus na kanyang minaneho noong Agosto 23.

Ipinakita niya sa investigating committee kung saan siya nakaupo noong nagaganap ang hostage crisis.

Ipinakita rin ni Lubang kung paano niyang nakalas ang posas gamit lamang ang nail file.

Sa pagkakataong ito, hindi niya natanggal dahil iba daw ang posas na ikinabit sa kanya ni Mendoza.

Ipinakita rin kung paanong nagtago si Mendoza nang mag-umpisa ang assault.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, base sa nakita nilang hitsura sa loob ng bus, consistent naman daw ang mga pahayag ni Lubang.

Sa malaking rearview mirror kita ni Lubang ang nangyayari sa kanyang likuran kahit pa hindi siya lumingon.

Ipinakita rin ng Manila Police District-Special Weapons and Tactics (MPD-SWAT) team kung saan sila nakapuwesto noong maganap ang assault.

Tiningnan din ng komite ang entry at exit points ng mga bala base na rin sa 3D presentation na ginawa ng National Bureau of Investigation.

Sa posisyon ng mga pisi o tali na nagpapakita ng trajectory ng mga bala ay kita daw na karamihan sa mga ito ay hindi galing sa assault team na nasa gilid lamang ng bus.

Ang inaalam ngayon ng panel ay kung saan ito nanggaling.

Sabi ni DILG Secretry Jesse Robredo, posibleng hindi sa sniper nanggaling ang balang pumatay kay Mendoza.

Ayon sa investigating panel malaking bagay daw ang ginawa nilang inspeksyon dahil maraming bagay ang nabigyan ng linaw.

Mayroon naman daw ilang detalye na hindi tumugma sa unang impormasyon na kanilang nakuha pero ayaw pang sabihin ni Secretary De Lima kung ano ang mga ito habang patuloy pa ang imbestigasyon. – Jenny Reyes, Patrol ng Pilipino

09/08/2010 9:07 PMBookmark and Share

2 comments

Baka puro baka

Mr. Robredo, akala ko ba c Ms. De Lima lang ang tagapag-salita? Bakit nagbibigay ka ng pahayg sa media about the hostage taking investigation?


Wow

Ano? Ang dami yatang SWAT doon mismo sa area ng bus, iisang tao ang hostage taker di ninyo maasinta noon? It just shows puro porma kulang sa gawa.