PNoy direktang sinagot mga tanong sa hostage crisis
Napikon nang husto si Pangulong Noynoy Aquino sa naging kalakaran ng hostage crisis noong August 23. Ito ang tahasang inamin ng Pangulo sa kanyang pagharap sa amin sa isang "live" interview mula sa Malacañang nitong Huwebes. Laking hinayang din niya na hindi siya naging aktibo para tiyakin ang pagdating ng Special Action Force na dapat rumesponde sa Quirino Grandstand.
Imbes na humarap sa Incident Investigation and Review Committee (IIRC), pinili ni Pangulong Aquino na magpa-interview sa Malacañang sa mga broadcasters mula sa tatlong pribadong TV station tungkol sa August 23 hostage crisis.
"On time" ang Pangulo at live itong ini-ere ng mga television station.
Inamin ng Pangulo na napikon siya dahil hindi nangyari ang dapat nangyari.
“Ito po ang pagbaril sa gulong ng bus, iyong napakatagal na pagpasok ng SWAT, iyong hindi alam kung anong gagawin ng SWAT. Doon po talaga napuno na tayo na iyong assurance na ibinigay sa atin ay hindi po natupad at tumungo na po tayo at hinanap na natin ang mga officials concerned,” ani Aquino.
Buong akala rin daw niya ay ang mas may kakayahan na Special Action Force (SAF) ang reresponde, gaya ng itiniyak sa kanya.
"Ang pinakamali ko nga ho dito, talagang inulit-ulit ko in several instances, ang capable unit that was tasked was supposed to have been SAF. Inulit sa akin na nandoon na kasi nahuli ko nga hong wala pa pala doon. Noong nandoon na, tinanong ko kung nag-practice na ba? Nag-practice na raw. Doon po ang ugat ng kapikunan.. Pinangako nila, ginarantiya nila, hindi nangyari,” anang Pangulo.
Ayon sa pangulo, kung maibabalik lamang daw ang pangyayari, mas nakialam siya sa estratehiya ng pulisya.
“I should have taken a more active role in the sense that iyong belief ko na General Santiago would oversee General Magtibay properly and completely, did not happen,” dagdag ni Aquino.
Pinaninidigan ng Pangulo ang desisyon niyang hindi magpakita sa command center o direktang makipag-negosasyon sa hostage taker na si dating senior inspector Rolando Mendoza.
“Nandoon po ako sa command center, sabihin natin, kada magdedesisyon sila, titingin sa akin: Gawin ninyo ‘to, gawin ninyo ‘yan. Pag kinailangan ako sa ibang lugar noong araw na ‘yon, tapos nasanay na sa sila buong araw titingin sa akin muna bago magdesisyon, kapag nagwala na si Mendoza, sino mag-go-go sa assault, tatawagan muna nila ako,” anang Pangulo.
Dagdag pa niya: “So it was a conscious choice. Iyong I can stay there, have my picture taken by everybody, show to the public I’m so concerned about this but at the same time, I will impede the abilities and efficiencies that the people who are trained to handle these things can do.”
Gayunman, iginiit daw ng Pangulo sa pulis na gawing final option lamang ang pagsugod para patumbahin ang hostage-taker dahil baka raw mas malagay sa panganib ang mga bihag.
Nag-sorry na raw ang Pangulo sa China dahil sa nangyari.
Pinili rin niyang huwag nang sagutin ang isa umanong nakakainsultong sulat mula sa isang opisyal ng Hog Kong.
“We were being told in very minute detail of what we were supposed to do, addressed to me,” ani Aquino.
Sa lahat ng nangyari, wala raw agad na pinasisibak ang Pangulo habang hindi pa tapos ang trabaho ng IIRC.
Ideya raw mismo ng Pangulo na magpa-interview para masagot na raw ang mga tanong ng bayan pero pakakaabangan pa rin kung pagkatapos ba nito ay may magbabago na sa kakayahan hindi lang ng mga pulis kundi ng mismong Pangulo na tumugon sa isang katulad o mas grabe pang krisis. – Willard Cheng, Patrol ng Pilipino








@MOMOMAMA
Kung gusto mong igalang ka ng kapwa mo, sana naman ay matotong kang gumalang sa kapwa mo....Kahit papaano ay
siya ay Pilipino at Pangulo ng Bansa, Kahit na anong
pagkakamali ay dapat nating bigyan ng puwang ang mga kamalian. Tungkol sa mga komento ng mga RATING na bumababa gawa ng Hostage-taking sa aking ay balilwala
yun, ang mas mahalaga ay kung siya ay masira sa pangkabuhayan ng bawat mamamayan ay yun ang mahalaga sa akin. Ang hostage taking at iba pang di pangkaraniwan pangyayari ay nagaganap sa boung mundo, di lang sa Pilipinas. Gaya ng sabi ko, husgahan natin siya kung di niya maiangat ang pangkabuhayan ng bansa para sa masaganang kinabuksan ng makaahon tayo sa kahirapan.
Di kaparis ng nagdaan pamumuno na sila lang ang guminhawa. Bigyan natin ng pagkakataon si PNOY.
BAKIT NANGYARI ITONG HARAPAN!!!
bakit nangyari itong harapan..... nakakatawa!!! parang... magaling pa kasi yung mga anchor eh..... hay naku po!!! tama nga yung insulting letter na natanggap natin.... nasa training pa ata ang namamahala sa ating bansa para sa pagbabago......................... hintay tayo 6 years baka may matotonan na sila
Field Commanders Are responsible For Tactical Decisions.
A president may only give strategic orders to field commanders on what to do in a given situation, then it is up the field commander how to execute the president's order in a tactical and detailed manner.
A president is not an expert in military battle or police actions unless he is a veteran military or police officer, but even then the field commander is still responsible for all tactical decisions.
PIKON
MAS NAKAKA-PIKON KA PRES ABNOY-NOY DAHIL ISA KANG BOBO. WALA KANG ALAM PATAKBUHIN ANG PILIPINAS. HINDI OJT(ON THE JOB TRAINING) HINAHAWAKAN MO. HINDI PWEDENG TESTING NA AY MALI, NEXT TIME GANITO ANG GAGAWIN KO, SIGURO HINDI NA MAGKAKAMALI. WALA KANG KASIGUROHAN SA DISPOSISYON MO. PANGALAWA, SELFISH KA NA KATULAD MONG SI KRIS. THINKING ONLY OF YOURSELF.
BUWISIT KAYO NI KRIS SA LIPUNAN
Sagot kay MOMOMAMA
Hoy, Gunggong.. Kung wala kang alam at puro ka-bugok-an ang laman ng ulo mo, itigil mo yang bunganga mo..Gunggong!
DATING PINOY!!!!
ano ka ngayun? nasa MONKEY REPUBLIC kaba?... si MOMOMAMA nagpahayag ng kanyang opinion ang sama lang doon ay sinabihan nya ng BOBO ang presidente natin... pero naunawaan ko dahil sa bulok na systima ng bansa natin ngayun... lalo na sa mga kahihiyan na na dala ng nasa position ngayun... damay tayo lahat sa kahihiyang yan..... kaya ako sayo... comment ka dito kong ano man openion mo na sa tingin mo TAMA!!! Gung-gung ka rin................
momomama
the comments you have just made is very anti-filipino. i am glad most pinoys are not like you. look at yourself before you criticize. i still believe that if some of our kababayan are not pro-Pnoy, will not use the same tone and language you have written. it is shame to be associated to a person whose mouth & mentality like you. yes you may say this is democracy, you are entitled to your own opinion and say what you want to say. it is also by the same yardstick, people will judge you, and perhaps God as well when you face Him later in your life. Mabuhay ang Filipino
First I must say that I am
First I must say that I am not anti-PNoy, neither am I pro-PNoy. I am only commenting base on issue at hand and my personal vision of how and what our government must do to improve our conditions.
I do find many faults in the statements and answers, many of which uses strategies such diversion, evasion, appeal to emotion, generalization, reference to unverifiable facts by the listeners, indirect response, etc..
Kung sana ito ang mga strategy na ginamit ng negotiator, baka masmarami pang hostage ang maligtas.