$434-M MCC grant, iuuwi ni PNoy


Mainit ang pagtanggap kay Pangulong Aquino ng business community sa New York.

Matapos iprisinta ang kanyang economic agenda, hinikayat ng Pangulo ang mga negosyante na mamuhunan sa bansa.

"I invite you to see for yourselves what we're doing to make sure that the Philippines is once again open for business," aniya.

Ikinatuwa ng mga business leaders ang mga hakbang ng administrasyon laban sa korupsyon.

"Transparency, good governance, rooting out corruption is really critical to American companies and companies all over the world being enthusiastic about the Philippines," ani Alex Feldman ng US-ASEAN Business Council.

Pero may mas malaking pasalubong sa bayan ang Pangulo dahil pinirmahan na ang 5-taong kasunduan para sa $434 million na pondo mula sa Millennium Challenge Corporation.

"We will do everything we can to help you help yourselves. Because at the end of the day I know that the spirit of entrepreneurship, the drive to succeed, the love of family and commitment to the next generation has been a hallmark of Filipinos forever. And I am absolutely convinced Mr. President that under your leadership, your country will show great strides forward," ani US Secretary of State Hillary Clinton.

"We are committed to not just a fair, but a square, deal for all. We will not abandon the poor to the markets just as we will not distort markets by means of red tape or crony impositions," ani Aquino.

Sa Barouch College sa Manhattan, nakapiling naman ng Pangulo ang Filipino community.

Pinasalamatan niya ang mga kababayan sa pagre-remit ng pinaghirapang dolyar sa mga kapamilyang naiwan sa Pilipinas at humiling na konti pang dagdag.

Napabilib ng Pangulo ang mga kababayan na nagbiyahe pa mula sa iba’t ibang kalapit na lugar.
 
"He spoke from the heart, walang kodigo, talagang nakakatuwa. Why? Because he is human and he has a good heart," ani Loida Nicolas-Lewis, isa sa mga tagasuporta ni Aquino sa Amerika. Ging Reyes, patrol ng Pilipino, New York City.