COA reveals overpriced Tesda training tools
Ibinuko ng Commission on Audit ang libo-libong porsyentong overpricing sa mga kasangkapan na binili ng Tesda para sa mga training schools nito. Idiniin ng isang samahan ng mga kawani ng pamahalaan si Tesda chief Augusto Syjuco sa naturang iskandalo. Pero inabswelto naman si Syjuco ng isang investigating panel na siya mismo ang bumuo.







