Joint session on martial law starts
Tinatalakay na ng pinagsanib na sesyon ng Senado at Kamara ang presidential Proclamation 1959 na naglalagay sa lalawigan ng Maguindanao sa ilalim ng martial law.
Isa sa idinahilan ng palasyo para magdeklara ng batas militar noong sabado ay ang napipintong rebelyon ng mga tagasuporta ng mga Ampatuan.
Alas kuwatro dose nang magsimula ang sesyon na dinaluhan ng di bababa sa 212 na mambabatas, 20 sa kanila mga senador. Maganda ang umpisa, mabilis at walang pagtutol na naipasa ang rules na susundin sa joint session. Live nagpa-Patrol mula sa Batasan Pambansa, Lynda Jumilla. TV Patrol World, Miyerkules, Disyembre 9, 2009







