Kampo ni FPJ, ramdam pa rin ang kawalan
Pitong taon nang nananahimik si "Da King," pero di pa rin binibitiwan ng kanyang mga naiwan ang laban na kinamatayan ni FPJ.
Ani Grace Poe-Llamanzares, “Gusto ba ninyo na balang araw, pagka-buklat natin ng mga libro ay nakalay doon: “14th president, pero ito nandaya?” Hindi ba mas okay na lang sabihing "naupong pangulo, pero ang talagang pangulo ay si FPJ."
Pitong taon na rin ang lumipas mula nang matalo si FPJ nang tumakbo siya sa pagka-pangulo.
Nakaalis na sa puwesto ang tinagurian nilang nandaya.
Sabihin mang suwerte ang number “7,” duda ang mga taga-suporta kung may suwerte pang makukuha ang kanilang idolo.
Ayon kay Butch Cadsawan ng FPJPM, “Sa tingin ko 'di pa panahon, kasi 'di napag-uusapan 2004. Sabi nga ni Chairman Brillantes, wala na raw ebidensya.”
Pitong taon na ring bitbit sa dibdib ng matalik na kaibigan ni FPJ ang lungkot.
Sabi ni dating Pangulong Erap, malilimutan niya siguro ang lahat, pero hindi si FPJ.
Aniya,”Mayor, senator, vice president, presidente, kasama ko siya. Tinutulungan niya ako. Ngunit nang siya naman ang kandidato, ang sama-sama ng loob ko dahil hindi man lang ako nakatulong dahil nakakulong ako.”
Pitong taon na ang dumaan, di pa nagbabago ang kanilang sentimyento.
Matutuldukan lamang ang sentimyento ng mga taga-suporta ni Fernando Poe Jr. kung maidedeklara ang kanilang idolo na pang-14 na presidente ng ating republika. Umaasa sila sa administrasyong Aquino na mabibigyan ng tugon ang kanilang hinaing. Jorge Cariño, Patrol ng Pilipino
12/14/2011 9:50 PM








to Susan Roces the wife of FPJ and his family
In the heart of every Filipino people Fernando Poe, Jr. is the 14th president of the Philippines
to Susan Roces the wife of FPJ and his family
In the heart of every Filipino people Fernando Poe, Jr. is the 14th president of the Philippines