Phivolcs: Mayon Volcano's hazardous eruption imminent


Bagama't nasa Level 3 pa rin ang alert status ng bulkang Mayon, patuloy sa pagtindi ang aktibidad nito kaya mataas ang posibilidad na sundan ito ng mas mapanganib na pagsabog. Sa kabila naman ng ipinapatupad na forced evacuation, may ilan pa ring mga residenteng namataan sa loob ng mga danger zone. Sa nakalipas na 24 na oras, 197 na pagyanig at 18 ash explosion na ang naitala ng Phivolcs. Umabot sa 2,000 metro pataas ang layo ng pinakamalakas na ash explosion. Dahil dito, ayon sa Phivolcs, mataas ang posibilidad nazz sumabog na nga ang bulkan. Mula sa Legazpi City, Albay nagpa-Patrol Dominic Almelor, TV Patrol World, Sabado, Disyembre 19, 2009.

12/19/2009 11:46 PMBookmark and Share