Imelda, hindi matanggap na kinumpara ang asawa kay GMA


Dalawampu't-limang taon matapos mapatalsik sa kapangyarihan, bising-bisi pa rin si Ginang Imelda Marcos bilang kongresista ng pangalawang distrito ng Ilocos Norte at nitong nakaraang lingo, bilang patron ng piyesta ng Pandacan.

Nababalitaan nga raw niya ang pagkumpara sa sinapit na kapalaran ng kanyang asawang si Ferdinand kay GMA na kabi-kabila ang kaso nang mawala sa kapangyarihan.

Pero ayon kay Imelda, hindi dapat ikumpara ang dalawa at hindi magnanakaw si Marcos.

"Marcos was not a thief. It is going to be seen that Marcos was a man of peace and Marcos was very human," sabi ni Imelda.

Pero naiintindihan daw niya ang pinagdadaanan ni GMA dahil siya man daw ay dumanas ng persekusyon.

"I’m sorry for her because I know what it is to go through hell like that, in my case I was abroad and I was penniless but I was not afraid," sabi ni Imelda.

Kaya’t ang kanyang payo kay Arroyo: "If you are on the side of truth, do not be afraid. I was on the side of the truth and I wasn’t afraid from day 1."

Pero ayon kay Imelda, malayo si Marcos kay GMA dahil para kay Imelda, malinis raw ang hangarin ng kanyang asawa para sa mga Pilipino. Henry Omaga-Diaz, Patrol ng Pilipino

01/11/2012 10:26 PM