Misa idinaos para sa ika-79 kaarawan ni Cory
Nagdaos ang pamilya Aquino ng isang misa sa puntod ni dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque.
Ito ay para gunitain ang kanyang 79th birthday.
Dumalo sa misa ang mga kaanak, malalapit na kaibigan at ilang opisyal ng gobyerno.
Dalangin ng mga anak ni Cory na patuloy silang gabayan ng Panginoon lalo na si Pangulong Noynoy Aquino.
Hapon na nang dumating sa puntod si PNoy dahil nanggaling pa ito sa pag-asikaso ng pabahay para sa mga biktima ni bagyong Sendong sa Iligan at Cagayan de Oro.
01/25/2012 9:56 PM







