EXCL: Customs clerk, de-Porsche, inireklamo ng pamamaril, suspindido
Ito ang CCTV video sa SLEX. Tinutugis ng Porsche na minamaneho ng Customs clerk na si Paulino Elevado ang Innova na minamaneho naman ng isang 20 anyos na estudyante.
Nag-ugat ang car chase matapos masagi ng Innova ang naturang sports car kung saan kasama ni Elevado ang isang Florencio Bato.
Nakarating sa Marriott Hotel ang habulan at doon ay pinagbabaril ng naka-Porsche ang Innova.
Pinatunayan ito ng guwardya ng hotel.
Nabangga pa umano ng Porsche ang barrier sa tarangkahan ng hotel.
Sa salaysay ng isa pang guwardya, bumaba umano ang dalawang armadong lalake na sakay ng sports car at pinaputukan ang Innova.
Inilagay na sa floating status si Elevado at isasailalim din siya sa imbestigasyon ng Bureau of Customs.
Ang lalong ikinagalit ni Commissioner Ruffy Biazon, kakilala pa niya ang ama ng biktima na mula rin sa pamilya ng mga pulitiko.
Aniya, “Doble-dobleng galit kasi una ‘yung trabahong ginagawa namin dito na i-restore ang image ng Customs eh sinira niya. As an employee, abuse of authority, clearly.”
Isasalang sa lifestyle check si Elevado dahil sa Porsche na minamaneho nito.
“Questionable na kung bakit meron siyang minamaneho na isang mamahaling sasakyan. Ni-research na namin ‘yung pagkatao niya at doon na namin na-find out na meron palang previous na kasong nakasampa sa kanya, one of which is extortion,” dagdag ni Biazon.
Ayon kay Biazon, imposibleng makabili ng ganitong sasakyan si Elevado kung pagbabatayan ang suweldo nitong P9,000 kada buwan.
Aabot sa halos P9 milyon ang presyo ng brand new na Porsche. Pero ang minaneho ng Customs employee ay 2006 model na nasa P5 milyon.
Hindi nakapangalan kay Elevado ang Porsche ngunit natunton ng ABS-CBN News ang kinaroroonan ng sasakyan.
Wala na itong plaka ngunit kita pa rin na wasak ang unahang bahagi nito.
Kung paanong napasakanya ang sasakyang ito ay nanatiling misteryo dahil 'di na nagpakita sa Customs si Elevado. Anthony Taberna, Patrol ng Pilipino
02/02/2012 9:33 PM








corrupt sa customs
- there's a mansion @ orange road, potrero, malabon city in front of sts peter & john parish
-customs clerk's mansion @ villa samantha, meycauayan, bulacan. just ask in the subd the man from customs. sikat na sikat siya.
- another mega mansion @ calamba greenheigths subd, calamba, laguna
all of them have no bank accounts. only money houses. they have their own vault in their houses. that's why they have guards in their homes.
this is bullshit. president noynoy palakasan din with biazon sa
bakit hindi natatangal yang tao na yan sa customs?
anak ng #$@#.
isang katutak ang kaso hindi natatangal.
customs clerk lang naka brand new high end porsche!!!
eto and mga kaso ng demonyong eto, malakas sa loob
palagay ko tatakutin lang yung complainant at babayaran
at ligtas nanaman etongf hayup na to
at hindi rin matatanggal sa pwesto
How many customs employee has the name Paulino Elevado?
It looks like this man has brushed with the law before...
http://www.gov.ph/2011/10/13/importer-sues-customs-employee-for-bribery/
http://www.tribuneonline.org/metro/20110223met4.html
http://www.tribuneonline.org/metro/20110523met7.html
The complete list with his picture and CCTV footage of the incident at:
http://vvvvv police com ph/Paulino-Elevado
lagyan nyo ng tuldok website yan
Sibakin na yan-Elevado-abusado.
Pnoy at Comm.Biazon,sibakin na yan si elevado-abusado.tututukan nmin yan kaso na yan.pati kawawang estudyante pinapatulan nyan.biro nyo 9K pesos lang ang salary naka sports car ka pa tutoy!grabe ang kurakot mo.
palakasan din w/ biazon, nagkataon nakunan ng CCTV kaya laglagan
palakasan din with biazon, nagkataon nakunan ng CCTV
at nakarating sa media
at malas pa nya
nagkataon anak ng politiko
kaya laglagan na
kung yun ay ordinary citizen at hindi na media
walang kaso
Business as usual! Talagang ganyan basta nasa Custom(bre)
mayayaman yan!kahit clerk,clerk lang dyan mga milyonaryo!
Ginagawang tanga ang mga kapwa pinoy dahil sila namumuhay ng napakaranya hindi naman ogma sa sweldo, tapos mamatay tao pa? anong klaseng tao na ba ang mga Filipino? Mga nakakaintindi gising at wag ipagbahala ang ganitong gawaain ng mga nasa gobyerno. Kailan ba kayo maawa sa mga sarili ninyo? bakit ang isang guro na ang sweldo ay mas malaki kaysa sa nasa custom ay nabubuhay ng napakapayak? Bakit ganito? Walang maghihirap kung kayo kayo na nakakaintindi sa ganitong masamang gawain ng mga nasa goyerno ay aalma at wag pabayaan ang kanilang gawain. Punain ang mga taong namumuhay na hindi angkap sa kinikita!
On custom's would be assasin
So now, customs officers in manila were being sanctioned by the justice department to "kill" any one who they think is expendable? What was the police doing about it while this guy is placed on "lifestyle check". Sounds more like a complete horse manure to me. The police has to lay charges on this sob for assault with a deadly weapon or this will spread like wildfires on u-tube and just about every social network on the planet earth.
On custom's officer
Floating status? Lifestyle check for this guy? What the hell are you guys thinking about. Some one scratched the porche he was driving, the kid took off, the custom guy decided to chase this guy and when he did finally got close to him, the custom guy and his passenger both decided to pump shots at the kid's car. Obviously, this incident become "assault with a deadly weapon with intent to kill". And why is he not in jail for this? And also of his lone passenger in that car? Was it because he worked for the customs and the guy is a businessman? Give me a f..ng break will you. When he decided to fire shots at the kid's car, was he thinking of just scaring him off?
DUWAG!
matapang lang kapag may baril! Ang yabang mo mag drive ng porsche, pero less than 10K/mo lang pala sweldo mo. Anong pinagmamalaki mo, mga pera mo galing sa pangungurakot? So what kung tinaggal nyo pa yung license plate ng sasakyan, nakuhaan naman ng footage ang mukha at Driver license. You are a sad excuse for a human being.
palakasan din with biazon, nagkataon nakunan ng CCTV kaya laglag
palakasan din with biazon, nagkataon nakunan ng CCTV
at nakarating sa media
at malas pa nya
nagkataon anak ng politiko
kaya laglagan na
kung yun ay ordinary citizen at hindi na media
walang kaso