Chinese na dawit sa pagkamatay ng nobya, arestado
Ito ang CCTV footage ng Bangko Sentral sa service road sa Roxas Boulevard sa Maynila, madaling araw, nito lang Enero 14.
Mapapansin ang lalaki at babaeng magkausap at tila nagtatalo sa magkabilang bahagi ng itim na kotse.
Maya-maya, sumakay sa kotse ang lalaki. Ang babae naman tila hinahamon ang driver ng kotse na siya'y sagasaan – bagay na pinaunlakan ng lalaki. Bumuwelo lang ito atsaka inatrasan ang babae.
Naipit pa siya sa ilalim ng gulong, pero imbes na tulungan inundayan pa ng saksak ng lalaki ang babae bago niya ito muling sinagasaan at inabandonang patay na.
Nakilala ang biktima na si Zhao Chun Lan, isang Chinese. Nagtamo siya ng tatlong saksak sa dibdib at nabasag ang bungo.
Mag-a-alas-4 kaninang madaling araw nasakote ng MPD homicide division ang suspek na si Go Shung Young, isa ring Tsino.
“Nakipagtulungan na ang Chinese community sa amin. Noong na-capture ng CCTV footage iyong likurang bahagi ng sasakyan niya, nakuha ang plate number. Ang ginawa niya, according to him, tinapon niya ‘yon at nagnakaw siya ng plate number,” ang pagdedetalye ni Senior Inspector Joselito de Ocampo.
Aminado siya sa krimen. Kuwento niya, sinisingil siya ng biktima na kanya umanong ex-girlfriend sa nadispalkong P1.3M at binalaang ipapapatay siya kaya naisip niyang unahan na ito.
“Gusto niya patay na ‘ko, [pati] papa, mama, kasamahan ko. Sabi niya ako wala nang pera,” sabi ng suspek.
Napag-alaman pang nagnanakaw rin umano sa iba't ibang condo unit ang suspek. Francis Faulve, Patrol ng Pilipino
02/03/2012 9:16 PM








▼ The 2nd CCTV clear footage with a diff angle uploaded at ▼
vvvvv police com ph/roxas-murder
there is a video uploaded there in 1 of the links